Advertisers
INARESTO ng mga operatiba mula sa Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD), sa pakikipag-ugnayan sa mga support unit, ang isang bagong nakilalang high-value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation noong Lunes, Mayo 26, 2025, sa Pasay City.
Nadakip ang suspek na kilala sa alyas na John Brian, 36-anyos, construction worker at residente ng Humilidad Street, Pasay City, sa kahabaan ng Buendia Road, Barangay 9.
Ang drug buy-bust operation ay pinangunahan ni PMaj Cecilio G. Tomas Jr. ang operasyon kasama ang mga tauhan ng District Intelligence Division (DID-SPD), Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU), at Sub-Station 1 ng Pasay CPS.
Nasamsam ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ?340,000.00 base sa Standard Drug Price. Narekober din nila ang isang Android phone at isang tunay na ?1,000.00 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nananatili sa kustodiya ng DDEU-SPD ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOJO SADIWA)