Advertisers
ISANG pinay overseas worker na nagbakasyon mula sa Hong Kong ang inaresto ng PNP-Aviation Security Group pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Huwebes ng gabi Mayo 29, 2025, napag-alaman sa ulat
Ang babaeng pasahero ay inaresto ng mga awtoridad sa NAIA Terminal 3 matapos siyang i-flag ng Bureau of Immigration para sa outstanding warrant of arrest.
Ang suspek na residente ng Viente Reales, Valenzuela City, ay kasalukuyang nasa kustodiya na ngayon ng Barbosa Police Station 14 ng Manila Police District para sa dokumentasyon at karagdagang legal na paglilitis.
Ang warrant of arrest ay inilabas noong Hulyo 30, 2013, laban sa akusado kaugnay sa paglabag nito sa Estafa, na may inirekomendang halaga ng piyansa na Php 40,000.00.
Sinabi ni PBGen Christopher M Abecia, Director ng AvSeGroup, ang pag-aresto ay nagbibigay-diin sa pagiging epektibo ng kanilang magkasanib na pagsisikap at ang kahalagahan ng inter-agency collaboration sa pagpapanatili ng seguridad sa mga paliparan sa bansa. (JOJO SADIWA)