Advertisers

Advertisers

Andres niisyung insecure kay Rabin

0 13

Advertisers

Ni Archie Liao

GINAGAWAN ng isyu ng mga tsismosang kapitbahay ang naging pahayag ni Rabin Angeles tungkol kay Ashtine Olviga.

Marami kasing katkatera at sawsawera ang nakapansin na hindi niya binati sa Instagram si Ashtine noong nakaraang birthday nito.

Wala rin itong pa-IG story sa kasamahan niya sa “Ang Mutya ng Section E” tulad ng ibang cast members.

Paliwanag naman ni Rabin, nag-greet daw naman siya kay Ashtine through a message.

Gayunpaman, hindi na raw siya nag-post sa social media dahil umiiwas siyang baka may magtampo.

Nabibigyang kulay naman ng kibitzers ang kanyang naging statement sa isang panayam.

Anila, lumalabas daw na nagseselos si Andres na love team partner ni Ashtine kay Rabin.

May mga nagmamaldita pang may pa-shade na nai-insecure si Andres kay Rabin.

Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.

“Sinech ang tinutukoy niya, si Andres ba?”
“May pa-shade na nagjejelling si Andres sa kanya.”
“No, he was referring to AshDres fans. Grabe rin kasi ang pamba-bash sa kanya dahil sumisingit pa siya sa loveteam ng dalawa.”
“Di ko bet iyong parinig na tila insecure sa kanya si Andres.”
“Di ba nga, I heard na tinanggal ni Ashtine yung mga photos nila ni Rabin na magka-holding hands.”
“Utos ng management.”
“Panira naman kasi siya sa AshDres.”
“Mas may chemistry naman kasi ang AshDres.”

***

Mapangahas na serye nina Zaijian at Jane, umariba na sa Puregold Channel

ISANG kuwento ng pangungulila, pagluluksa, at kapangyarihan ng pag-ibig sa gitna ng mga komplikasyon ng buhay–ito ang kuwento ng ‘Si Sol at si Luna’ na handog ng Puregold Channel, isang mapangahas na digital na serye, tampok sina Zaijian Jaranilla at Jane Oineza. Nagsimula na noong Mayo 31, Sabado, ipinapangako ng palabas ang isang mahusay na naratibo na ikinuwento gamit ang mga kaakit-akit na biswal na hindi pa nakikita kailanman sa digital entertainment.

Mapapanood na sa Puregold Channel sa YouTube, ang unang episode ng serye na pinamagatang “Babae sa Bus” at sumusunod sa tauhang ginagampanan ni Jaranilla na si Sol, habang gumagawa siya ng pelikula tungkol sa pag-ibig. Dito, hinaharap ni Sol ang hamong ibinigay ng kanyang propesor: gumawa ng isang dokumentaryo tungkol sa isang bagay na hindi pa niya nararanasan.

Ang tila imposibleng gawaing ito ang nagtutulak kay Sol patungo sa tahimik na pagdurusa ni Luna, na ginagampanan ni Oineza, at matatagpuan ng dalawang nawawalang karakter sa isa’t isa.

Sa direksyon ng kilalang direktor na si Dolly Dulu, tampok sa Si Sol at si Luna ang makapangyarihang pagganap nina Jaranilla at Oineza na nagpapamalas ng lawak at galing nila bilang mga aktor.

Kasama nina Jaranilla at Oineza sa serye ang mahuhusay na artista na sina Joao Constancia, Karina Bautista, Cheena Crab, Marnie Lapus, Uzziel Delamide, Lyle Viray, Vaughn Piczon, Jem Manicad, at Atasha Franco.

Huwag palampasin ang bawat episode ng Si Sol at si Luna, mapapanood tuwing Sabado sa Puregold Channel sa YouTube. Ang kahanga-hangang cinematography nito, tapat na diyalogo, at isang kuwentong pag-ibig ay tiyak na kokompleto sa inyong Sabado.