Advertisers

Advertisers

Katotohanan sa nakaraang halalan, sigaw ng mga residente ng Angat

0 20

Advertisers

Sumugod at nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng Bulacan Regional Trial Court ang mga residente mula sa bayan ng Angat.

Bitbit nila ang iba’t-ibang mga placard na nagsasaad ng kanilang mga kahilingan na magkaroon ng recount, at ilabas ang katotohanan sa nakaraang halalan noong Mayo 12, 2025.

Matatandaan na nanalo si Incumbent Mayor Reynante Bautista na nakakuha ng boto na 18,892 habang si Engr.Lamberto C. De Leon nakakuha ng 18,633 votes, kung saan lumamang si Bautista ng 259 na boto.



Ayon sa legal counsel, ni Lamberto De Leon, 10 araw matapos ang halalan agad silang naghain ng election protest para sa 22 presinto, na posibleng nagkaroon umano ng hindi maayos na pagbilang.

Bunsod nito’y umapila ang mayorya ng mga taga Angat na ilabas ang katotohanan at magkaroon ng recount, upang malaman tama sa datus ng halalan.



Nabatid na una nang na raffle ang protesta sa RTC Branch 78 noong Mayo 26, subali’t makalipas ang isang gabi kinabukasan Mayo 27, agad na dismissed o ibinasura ang protesta.

Bagay na ikinagalit at sama nang loob ng mga residente ng Angat, dahil sa mabilis na desisyon.



Ayon kay Glenda Dela Cruz ng Brgy, Paltok, nais nilang malaman ang katotohanan kung sino talaga ang tunay na nanalo sa katatapos na halalan.

Samantala, nitong Hunyo 2, 2025 ng hapon naghain ng Motion for Reconsideration (MR) sa RTC Branch 78 ang head ng Legal Counsel ni De Leon.(Thony D. Arcenal)