Advertisers

Advertisers

2K trabaho para sa mga Manileño sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Honey

0 34

Advertisers

2K trabaho para sa mga Manileño sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Honey

NAGSAGAWA ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng ‘Local Recruitment Activity’ sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Honey Lacuna. Ang nasabing activity ay nagkakaloob ng libong trabaho para sa mga unemployed ng mga residente ng lungsod.

Binigyang papuri ni Lacuna ang Public Employment Service Office – City of Manila sa pamumuno ni Fernan Bermejo para sa nasabing activity na ginawa nitong Miyerkules (June 4) 9 a.m. hanggang 2 p.m.

Ang recruitment activity ay ginawa sa PESO Annex Office sa Park N’ Ride Building, Lawton, Ermita, Manila. May kabuuang 2,000 trabaho ang ipinagkaloob sa mga residente.

“Ang inisyatibong ito ay ginawa upang mas mapadali ang pag-aapply ng kapwa nating Manileño na naghahanap ng trabaho,” sabi ng alkalde.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Samantala, ang pamahalaang lungsod ay nag-aalok din ng libreng pagsasanay sa hair and makeup artistry.

Ang lahat ng mga interesado ay maaaring bumisita sa MMDC Tayuman Training Center sa Old TESDA Building, Immaculada Street , Brgy. 232 Tayuman, Tondo, Manila ( tabi ng Tayuman Police Station).

Ito, ayon kay Lacuna, ay bahagi ng tuloy-tuloy na pagtugon ng lokal na pamahalaan na makapagbigay ng trabaho sa lahat ng mga residente ng Maynila na naghahanap ng trabaho.

Sinabi naman ni Bermejo na ang Lacuna administration ay patuloy sa pagbibigay ng trabaho sa mga senior citizens at persons with disability, sa pakikipag-partner sa ilang pribadong establisiyemento sa Maynila. (ANDI GARCIA)