Advertisers
TAPOS na po ang 2025 Polls at moving on na ang mga Pinoy, sa kampo ng mga idineklarang panalo at kampo ng mga di pinalad. Sa anumang anggulo, hindi mawawala ang mga matang huhusga sa alinmang kampo, outstanding man o pinahinog sa pilit na kandidato.
Isa si boxing icon turned politician MANNY ‘PACMAN’ PACQUIAO sa mga paboritong punahin at pag-usapan sa hanay ng naging senatorial bets. Tumakbo bilang presidentiable si PACMAN sa nagdaang national elections at muling sumali sa senatorial race nitong nagdaang 2025 polls, pero hindi pumasok sa alinman.
Balik-boxing ang pambato ng GenSan na packaged sa rags-to-riches image. Mainit na sagupaan pa rin ang aabangan kina MANNY PACQUIAO at MARIO BARRIOS sa takdang match na may patikim sa kick-off press conference ng kanilang 2-city promotional tour sa Las Vegas. Balik si PACMAN mula sa nagdaang retirement para ipakita ang angulong ‘AGE IS JUST A NUMBER’.
Not for money of course, dahil super rich na ang boxing celebrity na nagpahinga sa boxing in about 4 years, but with constant practice and extensive work outs sa ilang sports fields like badminton and basketball. O di po ba, mahilig din si PACMAN sa basketball kahit hindi higante sa height. Siya p;o ang founder ng MAHARLIKA PILI:PINAS BASKETBALL LEAGUE (MPBL) na aktibo bilang professional league at nagsisilbing fallback at house of rookies and professional players.
Yes, whatever, mayaman na nga po si PACMAN, isang boxing icon, pamoso bilang World Boxing Champion, na naging daan para makapasok sa World of Politics. Satisfactory or not in terms of Politics, wagi pa rin siyang mapasok ang minithing level ng Public Service, but then, walang perfect in life kaya hindi lahat ng gusto ninuman ay mahahablot nang ganun lang.
Maraming humuhusga sa ‘Pambansang Kamao’ especially sa social media na nakamasid ang netizens sa bawat galaw ng isang sikat, undeniably. What’s surprising kung balik-boxing si PACMAN? Strike anywhere, sabi nga. Yes, to think, wala na dapat pang patunayan si PACQUIAO, pero may karapatan siyang gawin whatever pleases him. Boxing pa kaya ang tanggihan niya if maluwag siya ngayon sa schedule? Balik-boxing, not for money nor fame this time, para subukan ang maibibigay pa niya, o kung gaano pa rin siya katibay at kahusay, at yun ang kaabang-abang sa PACMAN-BARRIOS bout.
Sa side ni BARRIOS, exciting na masubukan kung aakyat na sa ganun kabonggang level. Mensahe ni PACMAN. ‘ I always bring surprises to the fans in every fight. This bout is more than a title, It’s a BATTLE FOR LEGACY”. Action sa July 19, mga KaIsport!
SPECIAL CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to ANDREW GABRIEL ‘ Andy’ RIVERA ALEJO of Pugadlawin, QC , to MARVIN NIVIAR SANTOS of Gen. Trias, Cavite, fellow sportswriter ELECH DAWA, DYLAN LEE GEDE (Mand. City), Mam MA. LIBERTY ALBAG & Sir GABRIEL SUPANG (both of AUPC). More birthdays to come and best blessings be with all of you. HAPPY READING!