Advertisers
BUMALIK ang Olympic champion Carlos Yulo sa entablado at pinamunuan ang Philippine team sa 12th Senior Asian Artistic Gymnastics Championships simula Hunyo 5 hanggang 8 sa Jecheon, South Korea.
Ito ang maging unang tournament ni Yulo simula ng makamit ang dalawang gold medal sa 2024 Paris Olympics na naglagay sa kanya sa kasyasayan sa libro ng Pilipinas na tanging atleta na nakamit ang ganitong tagumpay sa single edition.
Makakasama ni Yulo ang kapwa Southeast Asian Games medalists John Ivan Cruz, Juancho Miguel Besana, Justine Ace De Leon at Jhon Romeo Santillan.
Ang 25-year-old Yulo ay inaasahan na depensahan ang apat na gold medals na kanyang napanalunan sa individual all-around, floor exercise, vault at parallel bars sa nakaraang edition ng paligsahan na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan.
Sa totoo lang dinomina niya ang floor exercise, vault at parallel bars simula lumahok sa kumpetisyon noong 2022 sa Doha, Qatar
Interestingly, ito ay maging family affair para kay Carlos na ang nakakabatang kapatid Eldrew Yulo ay nakatakda ring sumabak sa 18th Junior Men’s Artistic Gymnastics Championships na nataon sa seniors tournament.
Kasama ni Eldrew ang isa pang junior gymnast si Thomas Aliwalas.