Advertisers

Advertisers

5 katao nalitson ng buhay sa sunog sa Pasig

0 8

Advertisers

Nasawi ang limang katao kabilang na ang tatlong menor de edad sa sumiklab na sunog sa residential area sa Brgy. Buting, Pasig City noong Miyerkoles ng gabi.

Kabilang sa mga nasawi ang isang ina at ang kaniyang dalawang anak na may edad na dalawa at 11-anyos gayundin ang isang ama at ang kaniyang anak na lalaki na may edad na 15-anyos.

Nagsimula ang sunog bago 11:00 ng gabi at nakontrol din ang apoy makalipas ang 20 minuto.



Samantala, may kabuuang 89 na katao o 18 na pamilya ang nananatili sa mga evacuation center matapos maapektuhan ng sunog.

Inaalam pa sa ngayon ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog at pagkakakilanlan ng mga nasawi.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">