Advertisers
P1.3M MAHIGIT HALAGA NG DROGA NASAMSAM SA SUSPEK NA TANGKANG PUMATAY SA 2 BIKTIMA!
Arestado sa mahigit isang milyon halaga ng droga at kush ang isang suspek na tangkang pumatay sa 2 biktima sa Morong Rizal.
Sa ulat ni Rizal PNP Provincial director Col. Felipe Maraggun, kinilala ang nadakip na suspek na si alyas John ng Sitio Talaga, Brgy., Maybangkal ng nabanggit na bayan.
Nauna rito, tinangkang patayin ng suspek sa pananaksak ang 2 biktima na kapitbahay nito noong Hunyo a-2 dakong 11:30 ng gabi.
Sa follow-up operation ng Morong PNP kung saan nadakip ang suspek dito tumambad sa mga awtoridad ang 25 transparent plastic sachet ng hinihinalang droga.
Base sa ulat, nasa 200 gramo ito na nagkakahaga ng P1,360,000.00 at 10 gramo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng P20,000.00.
Habang walo (pang suspek ang kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad. (Edwin Moreno)