Advertisers
Nakiisa si Manila Mayor-elect Isko Moreno Domagoso sa ceremonial lighting ng Pasig River Esplanade sa may Jones Bridge bilang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Philippine-China Bilateral Relations.
Lubos namang nagpapasalamat si Isko kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry Inc. (FFCCCII), Presidential Adviser for Pasig River Rehabilitation Secretary Jerry Acuzar, Chinese Embassy in the Philippines, at sa lahat ng mga organisasyon at tanggapan ng gobyerno na nagtulungan upang maisakatuparan ang proyektong ito na muling pagbuhay sa isang mahalagang pasyalan dito sa Lungsod ng Maynila.
“Sa abot ng aming makakaya bilang lokal na pamahalaan, makikiisa po kami sa pagsasaayos at pagpapanumbalik kagandahan ng mga napabayaang pasyalan at makasaysayang lugar sa kapitolyo ng bansa,” saad ng incoming Mayor Isko .
“We will work hand-in-hand with the national government and organizations to make Manila vibrant, clean, and safe once again.” dagdag pa Moreno.
Dumalo rin sa nasabing pagdiriwang nitong June 7 si outgoing Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto .(Jocelyn Domenden)