Advertisers
Patay ang isang Barangay kagawad nang pagbabarilin ng ‘di nakikilang lalaki habang sakay sa isang motorsiklo sa Siniloan, Lagauna nitong Sabado ng hapon.
Kinilala ang biktima sa alias Rin, 51-anyos, Brgy. Kagawad ng Sitio Palanas, Brgy Llavac, Siniloan, Laguna. Habang mabilis naman tumakas ang mga salarin na nakasuot ng puting jacket at itim na helmet sakay ng isang kulay itim na Mio motorcycle.
Sa report, 12:20 ng hapon ng maganap ang pamamaril sa KM 19, Brgy Llavac, Siniloan Laguna.
Nabatid na sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo na binabagtas ang kahabaan ng KM 19 Brgy. Llava na sinusundan ito ng mga salarin sakay sa isang Mio motorcycle.
Tinapatan ng mga salarin ang biktima at pinaputukan ng tatlong bese na tinamaan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan dahilan upang mahulog sa minamanehong motoriklo ang huli na ikinasawi noong din. Agad na tumakas ang mga salarin patungo sa Sinoloan.
Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa naganap na insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo ng pamamaril. (Mark Obleada)