Advertisers
BANGKAY na nang na-tagpuan ang 18-anyos na da-laga sa isang creek sa Old Bulatukan, Makilala, Cotabato noong Miyerkules, Hunyo 11, 2025.
Ayon sa mga ulat, hinihinalang dinukot at ginahasa ang dalaga, na umalis lamang para maghanap ng signal sa cellphone.
Sa imbestigasyon, isang concerned citizen ang nakatuklas sa bangkay ng babae sa isang creek sa compound ng Boy Scout Camp ng nasabing barangay 7:30 ng umaga nitong Miyerkules.
Sinasabing wala nang damit pang-ibaba at pang-itaas ang biktima nang marekober ang kaniyang bangkay. Nagtamo rin ng sugat sa ulo ang dalaga na umano’y nagsanhi ng kani-yang pagkamatay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang hi-nihintay ang resulta ng post mortem examination upang makumpirma kung ginahasa ang biktima.