Advertisers

Advertisers

Ika-127 Araw ng Kalayaan ginunita sa Cavite

0 29

Advertisers

GINUNITA ang ika-127 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa lalawigan ng Cavite.

Magkasabay na ginunita sa bayan ng Kawit at lungsod ng Imus ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kung saan pinangunahan ito nina Chief Justice Alexander Gesmundo, Congressman Jolo Revilla, ang ilang Pamilya ng Aguinaldo sa bayan ng Kawit, Regional Director PB Gen Paul Kenneth T Lucas na nanguna sa pagpapanatili ng seguridad sa pagdiriwang ng Independence Day, BM Jygs Gandia, Mayor Dennis Glean ng Bailen, Lambert Bambao ng Ternate, Kawit VM Junbie Samala at Vice Gov-elect Ram Revilla.

Kasabay nito, pinangunahan naman nina Mayor Alex A. Advincula at Vice Mayor Homer T. Saquilayan ang pagtaas ng pinakamalaking watawat ng Pilipinas bilang pagdiriwang din at pagpupugay sa Araw ng Kalayaan na ginanap naman sa Alapan Imus City, Cavite.



Ayon kay Mayor Advincula, ang mahalaga ngayon sa paggunita ng Kalayaan maipakita ng bawat isa ang pagmamalasakit sa kapwa.

Dinaluhan ito ng mga NGO’s, kabataan, kapulisan at iba’t-ibang organisasyon na nakiisa sa pagdiriwang. Bilang pagtatapos, sabay sabay na iwinagayway ng lahat ang mga hawak na bandila ng Pilipinas.(Irine Gascon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">