Senator-judges ‘di dapat ipasa ang bola sa mababang kapulungan – Calleja… ESCUDERO WINASAK ANG DEMOKRASYA!
Advertisers
TAHASANG sinabi ni Atty. Howie Calleja na si Senate President Chiz Escudero ay nanunuya at lumabag sa batas at pag-iwas sa anumang parusa na kungsaan lubhang mapanganib upang masira ang demokratikong institusyon sa kanyang pagsisikap na iligtas si Vice President Sara Duterte mula sa paglilitis at itago sa publiko kung paano niya ninakaw ang pondo ng bayan.
Tinukoy ni Calleja na mula Pebrero 5, nang isumite ang reklamo sa Senado hanggang ngayon ay tila naghahanap ng paraan si Escudero para hindi managot si Sara sa daan-daang milyong piso ng pera ng bayan na maaaring nasa kanyang bank account, Bank of Philippine Islands (BPI).
Ipinunto ni Calleja na noong Martes, nang sa wakas ay magpulong ang Senado matapos ang mahigit apat na buwang pagkaantala sa kabila ng mandato ng konstitusyon para sa agarang paglilitis ay pinahintulutan ni Escudero ang mga senador na pabor kay Duterte na ibalik ang reklamo sa Kamara at tanungin ang mga miyembro ng parating na 20th congress kung handa itong litisin si Sara.
“Senator-judges are not allowed to do that. They must only listen to the evidence and vote whether to convict or acquit. When Sen. Bato moved for the return of the complaint to the House and even its dismissal, he was openly protecting Sara from trial,” aniya.
Naniniwala si Calleja na batid ni Escudero na nasa delikadong kalagayan siya sa batas dahil ang impeachment court ay hindi maaaring mag-remand ng kaso sa Kamara, o mag-utos ng pagbabalik.
Binigyang-diin pa ni Calleja na ang reklamo ay nasa senado may presumption yan ng legality at may precedent na ruling na ganyan nung impeachment trial ni Corona.
“When it was resolved to ask the House under the 20th Congress if it would try Sara, that was illegal let alone inane and impossible since how can the 20th Congress reply now when it is not yet in existence?” dagdag pa niya.
Pakiramdam ni Calleja, marahil dahil sa lumalaking opinyon ng publiko laban sa sitwasyon na walang paglilitis, at marahil dahil nalilito na siya sa magulo at kaguluhan noong sesyon noong Martes kaya’t pinayagan ang pagpapadala ng subpoena kay Duterte para ipaliwanag ang kanyang panig dahilan upang makakuha ng hurisdiksyon ang impeachment court sa kaso.
“Taranta na si Chiz. Sa dami ng banat sa kanya and the many statements from various key sectors opposing his pro-Sara and no-trial stance, he had to save his political skin and at the same time protect Sara. Naipit siya,” giit nito.