Advertisers

Advertisers

Christian Araneta puntirya ang IBF title

0 8

Advertisers

ILANG araw bago ang kanyang title crack sa Japan, Christian “The Bomb” Araneta ay handang handa sa giyera.

Araneta ay nakatakdang makasagupa si Thaongsak Simsri ng Thailand para sa bakante na International Boxing Federation (IBF) light-flyweight crown sa Huwebes sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo.

“His weight is fine and he’s ahead of schedule,” Iniulat ng Omega Boxing Gym point man Dodong Diego Bandido mula sa Japanese capital.

Top nutritionist Jeaneth Aro, ang mamahala sa pagkain ni Araneta hanggang sa susunod na ilang araw bago ang opisyal weighin sa Miyerkules at sa araw ng laban.

“Coach Aro is taking care of recovery and refueling,”Dagdag ni Bandido,na pumunta doon kasama ni chief trainer Julius Erving Junco.

Duamting si Araneta at ang kanyang team sa Japan Hunyo 6mula sa Cebu.

Ang press conference ay nakatakda sa Miyerkules ng tanghali sa Sheratonhabang ang official weighin isusunod kinabukasan alas 12 rin ng tanghali.

Ang southpaw ay aakyat sa ring armado ng 25-2 win-loss card na may 20 knockouts habang si Simsri, na nakabase sa Japan, ipaparada ang 38-1 with 34 knockouts.

Itinalaga ng IBF si Katsuhiko Nakamura ng Japan na maging referee ng scheduled 12-rounder habang ang three judges ay sina Leszek Jankowaik ng Poland, Koji Tanaka at Masakazu Murase, parehong taga Japan.

Japan Boxing Commission secretary-general Tsuyoshi Yasukochi ang fight supervisor.

Kapag nanalo, Makakasama ni Araneta sina Melvin Jerusalem at Pedro Taduran na kasalukuyang world champion ng bansa.