Advertisers
TINALO ni John Patrick Ciron ang karibal upang mangibabaw sa Century Tuna IRONMAN 70.3 Subic Bay sa Zambales Linggo.
Tinapos ni Ciron ang 1.9km swim, 90km bike at 21km run race na may kabuuang oras na 4 hours, 37 minutes at 28 seconds, ayon sa news release.
Veteran August Benedicto, ang 2022 IRONMAN 70.3 Cebu champion, ang second sa oras na 4:40:58, sinundan ni Mervin Santiago (4:42:40).
“Sabi ko sa sarili ko, sa second lap ng run, dapat maabutan ko sila, kasi kung hindi, mahihirapan na akong makuha ‘yung panalo (I told myself, I had to catch up with them in the second lap of the run or I might lose my shot at winning),” Wika ng native of Iriga City, Camarines Sur.
May oras siya na 30:45 sa swim, 2:33:21 sa bike at 1:28:17 sa run.
“Hindi ko na rin natantya kung saan ako umatake. Basta focus lang talaga. Target ko talaga ay mabilis na run, pero grabe, sobrang hirap (I didn’t even know exactly where I launched my attack. I just kept my focus. I really aimed for a fast run but it was extremely hard),”Dagdag niya.
Nakamit rin ni Ciron ang 2025 World Triathlon Development Regional Cup at National Championships sa Vietnam in April.
Nasungkit ni Dea Salsabila Putri ng Indonesia ang kampeonato sa oras na 5:26:22 may split times na 27:44/03:10:21/01:41:07 ang women’s division.
Erika Burgos (5:32:30) nagkasya sa second habang si Nicole Andaya (5:37:09) nagtapos na pangatlo.
Benedicto at Burgos nagsalo sa Bagong Bayani (New Hero) awards, special elite category para sa kasalukuyan at dating Filipino national athletes.