Advertisers

Advertisers

P2.3m shabu nasam,sam sa 3 HVI sa Batangas

0 19

Advertisers

NALAMBAT sa magkasunod na anti-illegal drugs buy-bust operation ang tatlong High Value Individual (HVI) drugs suspects at nasamsaman pa ng kabuoang halagang P2.3 milyon ng mga ipinagbabawal na gamot na isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Batangas City Component Police Station at ng Drug Enforcement Unit ng Batangas Provincial Police Office nitong Linggo ng gabi, Hunyo 15, 2025, sa Barangay Calicanto at Brgy. Bolbok sa lungsod ng Batangas.

Nasakote 7:00 ng gabi sa Brgy. Calicanto, ang babaeng suspek na si 1.alyas “Bebe”, 29-anyos, residente sa kaparehong lugar at nakuha sa posisyon ng suspek ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,400.00.

Sumunod na naaresto ng mga operatiba 10:47 ng gabi sa Brgy. Bolbok, ang dalawang suspek na sina alyas “Jomel”, 33-anyos, residente ng Brgy. Banaba South; at alyas “Jovs”, 32-anyos, taga Brgy. Simlong ng nasabing lungsod.



Nakumpiska naman sa dalawang nasabing suspek ang pitong (7) piraso ng knot tied plastic sachets at may bigat na 120 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng estimated street market value na P816,000.00 at ang ginamit na P200,000.na buy bust money.

Sinabi naman ni PRO 4A Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, nasa kabuuang P1,666.000.00, ang standard market value ng mga iligal na droga ayon na rin sa Dangerous Drugs Board at aabot naman sa halagang P2, 300,000.00 ang standard street market value.



Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at pansamantalang nasa kustodiya ngayon ng Batangas City Police Station, habang inihahanda ang mga isasampang kaso sa korte.(Koi Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">