Advertisers

Advertisers

CRASH COURSE PARA SA MGA SENADOR

0 69

Advertisers

MAPALAD kaming nakadalo sa Saturday News Forum kung saan nakatalakayan namin ang isa sa dalawang panauhin na bihasa sa constitutional law. Usapin ngayon ang impeachment trial ni Misfit Sara at matamang sinusubaybayan ngayon ng bansa kung maysala o hindi sa mga paratang na dinambong niya ang P612 milyon na confidential fund a ibinigay sa OVP at Deped noong siya pa ang kalihim.

Hindi nangiming sumang-ayon si Jennifer Arlene Reyes, constitutional law expert, sa aming panukala na isasailalim sa isang crash course program ang mga senador kung saan sasailalim sila sa training upang ganap na maunawaan nila ang Saligang Batas, lalo na iyong tungkol sa impeachment at pananagutan ng mga lingkod bayan. Uupo bilang hukom ang 24 senador sa Senado bilang hukuman na didinig sa Articles of Impeachment na nilagdaan ng 240 kasaping mambabatas ng Camara de Representantes at dinala sa Senado noong ika-5 ng Pebrero, o apat na buwan na nakalipas.

Niliwanag ni Reyes, isang akademiko na nagtuturo ng constitutional law, na kailangan ng mga senador ang kababaang loob (humility) upang maluwag nilang matanggap na kailangan nila na dagdag na karunungan at gabay upang maintindihan ang probisyon ng Saligang Batas. Dahil karamihan sa kanila ay hindi abogado na alam ang pasikot-sikot ng batas, maiging sumailalim sila ng crash course para sa mga senador, ani Reyes.

Inihalintulad ni Reyes ang mga senador sa mga mahistrado ng Korte Suprema na hindi nahihiyang aminin ang kanilang kakulangan sa mga isyu na hindi sakop ng kanilang pagiging eksperto. Ito ang dahilan kung bakit may inimbita silang amicus curiae (kaibigan ng hukuman) upang magpaliwanag sa mga usapin na hindi nila nauunawaan kahit sa labas ng batas.

Inamin ni Reyes na kahit siya ay naguluhan sa mga kakatwang pinagsasabi ng mga senador hinggil sa isyu ng impeachment trial ni Misfit Sara. Marami ang salat sa kaalaman at angkop na batayan upang maliitin ang impeachment trial. Hindi binasa ang Saligang Batas at hindi inalam ang mga batayan ng kanilang pahayag, aniya. Madalas batay ito sa kamangmangan, aniya.

Hindi tinalakay ni Reyes kung ang mga paksa sa batas ang maaaring talakayin ng panukalang programang crash course para sa mga senador. Ngunit, hindi siya nag-atubili na ialok ang sarili bilang isa sa mga lecturer sa crash course. Binigyan diin niya na dahil sa kasalatan ng akmang kaalaman sa Saligang Batas, maaaring magkamali ang mga senador sa sandaling magpasya sila kung ano ang gagawin kay Misfit Sara.

Mahalaga na maging patas ang mga senador sa pagdinig sa usapin ni Misfit Sara, aniya. Hindi siya pumayag sa pagiging makiling sa nasasakdal ng ilang senador at maaari dumulog ang Prosecution Team na hindi pasalihin sa pagdinig ang mga makiling na senador, aniya. May mga senador tulad ni Bato dela Rosa, Imee marcos, at Robin Padilla ang hindi nahihiya na ipakita na kampi sila kay Misfit Sara. Ipinagmamalaki pa nila ang pagkampi sa Misfit.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

***

NOONG ako’y reporter ng isang peryodiko na nagsara dahil sa pag-aalsa ng mga kawani, nakapanayam ko si Bert Romulo at tinanong kung ano ang kanyang maipapayo sa bawat mambabatas upang makagawa ng batas na pakikinabangan ng bayan. Isa ang payo ni Bert Romulo na noon ay isa sa mga senador na bumubuo sa Senado ng Ikawalong Kongreso: Basahin ang Saligang Batas. Nasa Saligang Batas ang kaluluwa ng bayan, aniya. Hindi siya makakagawa ng magandang batas kung hindi ito halaw sa Saligang Batas, pagbibigay din ni Bert Romulo

***

MAY natanggap kaming kopya ng bukas na liham para kay Sonny Angara, kalihim ng Deped ngayon. Galing ito sa isang retiradong propesor ng linggwistika ng University of the Philippines na si Prof. Ricardo Ma. Nolasco. Tungkol ito sa RA 12027, ang batas na nagpahinto sa paggamit ng unang wika at nagbabalik sa Ingles bilang punong wikang panturo. Ani Nolasco:

“Ilegal ang RA 12027 nilalabag nito ang: (a) kalayaan-sa-pagpapahayag (freedom of expression) ng mga Pilipino laluna ng ga ata; (b) karapatan nila sa impormasyon at edukasyon; (c) karapatan nila sa indibidwal at kolektibong identidad (individual and collective identity) at; (d) pantay na proteksyon ng batas ng batas (equal protection of the law nang walang pagtatangi (without discrimination.”

Dagdag na katwiran ni Nolasco: “Tungkulin ng estado na tiyakin na sa pampublikong larangan, gaya ng edukasyon, ay naipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin at kasabay nito na mahatiran ng impomasyon sa wikang ginagamit at nauunawaan nila. Milyun-milyung bata ang hindi natutong bumasa at sumulat dahil sa hindi nila nagagamit ang wika nila sa paaralan. Nilalabag ng RA 12027 ang kanilang karapatan sa impormasyon at kalayaan sa pagpapahayag.”

Ikinatwiran ni Nolasco ang kailangan ipagkaloob ang edukasyon sa mga mag-aaral sa wika na lubos nilang nauunawaan. Ginagamit ang Tagalog, o Pilipino ng malaking bahagi ng populasyon samantalang ang Ingles ay gamit lamang ng mga pamilyang nakakariwasa sa buhay, o wala pa sa 0.01% ng populasyon, aniya.

Nanawagan si Nolasco na huwag ipatupad gn RA 12027 dahil ang pagpapatupad nito ay “lantarang pagtalikod sa mga international convention na pinirmahan ng Pilipinas tungkol sa karapatang pantao, pambata, pang may-kapansanan, pang-katutubo, at kalayaang sibil.” Sa ganang kanya, mas maiging ipatupad ng pagpapatupad ng probisyong pangwika ng RA 10533.