Advertisers

Advertisers

Pondo para sa fuel subsidy inihahanda na ng Marcos admin

0 14

Advertisers

BILANG tugon sa epekto ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, inihayag ng Malakanyang na nakahanda na ang pamahalaan sa paglalabas ng fuel subsidy para sa sektor ng transportasyon, sakaling tumaas pa ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ayon kay Communications Usec. at Palace Press Officer Claire Castro, may nakalaan nang P2.5-bilyong pondo na gagamitin upang tulungan ang mga operator at driver ng public utility vehicles (PUV), pati na rin ang mga commuter, na tiyak na maaapektuhan sa oras na magpatuloy ang krisis sa Gitnang Silangan.

Ipinatawag na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang economic team upang pag-usapan ang posibleng epekto ng sigalot sa ekonomiya ng Pilipinas at ang mga kaukulang hakbang upang mapagaan ang epekto nito.



Iginiit ni Castro na kailangang maagapan ang posibleng “domino effect” ng kaguluhan lalo na sa sektor ng logistics, kalakalan, at suplay ng langis na maaaring magdulot ng dagdag na pasanin sa kabuhayan ng mga Pilipino.

Maliban sa fuel subsidy, tiniyak din ng pamahalaan na may nakaabang na mga alternatibong hakbang upang mapanatili ang katatagan ng ekonomiya sa harap ng pandaigdigang krisis.



Patuloy aniyang mino-monitor ng gobyerno ang sitwasyon sa Gitnang Silangan at siniguro nitong agad na kikilos upang protektahan ang interes ng mamamayan at ng bansa. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">