Advertisers
NAKALIBING na nang matagpuan ang 18-anyos na dalagang napaulat na nawawala sa Pawa, Tabaco City, Albay.
Ayon sa ulat, Hunyo 21, 2025, nang ipinagbigay-alam ng pamilya ng biktima sa mga awtoridad na nawawala ang kanilang anak.
Ayon kay Staff Sergeant Elaine Adriano, tagapagsalita ng Tabaco Police, sumuko sa presinto ang 20-anyos na ka-sintahan ng biktima at inamin ang krimen 10:05 ng gabi ng Linggo, Hunyo 22.
Sa hiwalay na imporma-syon, ibinahagi ng pamilya ng kasintahan ng biktima na umalis din ito sa kanilang bahay Hunyo 21 at nagpaalam na pupunta sa bahay ng kaniyang tiyuhin.
Makalipas ang 24 oras, Hunyo 22, humingi na ng tulong ang pamilya ng biktima sa Tabaco Police upang masama-han sila sa sinasabing bahay ng tiyuhin ng boyfriend ng dalaga.
Nang makarating sa patutunguhang bahay ang mga awtoridad, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagsuko ng salarin at pag-amin sa krimeng nagawa sa kasintahan.
Napag-alamang kusang-loob na sumuko ang salarin na boyfriend ng biktima sa pulisya, inamin ang ginawang krimen sa dalaga.
Sinasabing nagkaroon nang pagtatalo ang biktima at nob-yo kaya niya sinakal ang biktima hanggang sa malagutan ito ng hininga. Mismong ang nob-yo rin ang nagturo kung saang bahagi ng bahay ng kaniyang tiyuhin niya inilibing ang bangkay ng nobya, sa isang madamong bahagi sa Purok 5, Brgy. Pawa.
Ani Adriano, tumambad sa kanila ang nakahubad na bangkay ng biktima na may sugat sa mukha.
Naghalo umano ang galit at pagkabigla ng pamilya ng biktima nang malaman ng mga ito na tatlong buwan nang buntis ang dalaga.
Agad namang narekober ang bangkay ng biktima. Nasa kustodiya na ng pulisya ang salarin at iniimbestigahan narin ang tiyuhin nito kung may kinalaman sa naturang krimen.