Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, VM Yul pinangunahan ang lungsod sa pagdiriwang ng ika-454 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod nitong Martes, June 24, na tinawag na ‘Araw ng Maynila’

0 38

Advertisers

“Sa loob ng 454 na taon, ang Lungsod ng Maynila ay nananatiling tahanan ng katatagan, kasaysayan at pagkakaisa ng kanyang mga mamamayan. Sama-sama nating ipagdiwang ang anibersaryo ng ating minamahal na Lungsod ng Maynila,” pahayag ni Lacuna sa kanyang mensahe sa lahat ng residente at manggagawa sa Maynila.

Kapwa nanguna sina Lacuna at Servo sa selebrasyon sa pamamagitan ng wreath-laying ceremony na ginawa sa monumento ni Rajah Sulayman sa Malate, ang unang bayani ng Maynila.

Sila ay sinamahan ng mga kinatawan mula sa Philippine Navy, Boy Scouts of the Philippines, Barangay Officials at kawani ng lungsod mula sa Department of Public Services, Department of Engineering and Public Works, Parks Development Office
at ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila.

Nauna rito, ginawaran ng pamahalaang lungsod ng parangal ang mga indibidwal at negosyo na nakapag-ambag sa progreso ng Maynila. Manila.

May kabuuang 382 kawani ang ginawaran ng service loyalty awards dahil sa kanilang paglilingkod sa lungsod na umabot na sa 25, 30, 35, 40 at 45 taon.

Isang job fair din ang ginawa para pagkalooban ng trabaho ang mga unemployed Manilans at ginawa ng city government bilang bahagi ng foundation day activities. (ANDI GARCIA)