INCOMING SENATOR VILLAR, PINANGUNAHAN ANG INAGURASYON NG IKATLO AT PINAKAMALAKING KABATAAN CENTERS SA LUNGSOD NG LAS PIÑAS
Advertisers
Pinangunahan ni Incoming Senator Camille Villar ang inagurasyon ng ikatlo at pinakamalaking Kabataan Centers sa lungsod ng Las Pinas na isa sa mga proyekto ng mambabatas sa kanyang panunungkulan sa kongreso bilang kinatawan ng lungsod ng Las Pinas.
Kabilang sa mga dumalo sa inagurasyon sa Kabataan Center Doña Manuela Subdivision, ay sina Pamplona Tres Barangay Chairman Mori Riguera,Kgd. Romy Bautista , Don¨a Manuela Subdivision HOA President Kagawad Romy Bautista at SK Chairman Thirdy Torres
Ang naturang kabataan Center ay isang pasilidad na nakatuon sa kabataan na nag-aalok ng ligtas, moderno, at naa-access na espasyo para sa pag-aaral, pakikipagtulungan, at personal na pag-unlad.
Ang naturang Community Project, sa pangunguna ni Senator Camille Villar, ay idinisenyo upang suportahan ang mga pangangailangang pang-akademiko at pag-unlad ng mga kabataan sa Las Piñas. Kabilang dito ang, Study areas at meeting rooms, Computers na may access para sa e-library at online learning tools, Free Wi-Fi at air-conditioned spaces
Mayroon din ito na Media area at multipurpose hall para sa indoor sports events, at youth activities.
Sa kanyang naging pahayag sinabi ni Incoming Senator Villar na kahit hindi na siya kongresista ng Las Pinas hindi parin niya pababayaan ang Lungsod at kanyang ipaprayoridad ito sa senado.
Handa narin aniya si Incoming Senator Camille Villar na ipatupad ang kanyang mga naging pangako noon nakaraang halalan at ihain ang mga panukalang batas na prayoridad para sa mamamayan Filipino. (CESAR MORALES)



