Advertisers
NALAMBAT ang tatlong suspek na mga nagbebenta ng iligal na droga na pawang mga tinaguriang High Value Individuals kabilang ang isang Chinese National matapos na magkasa ng anti-illegal drugs buy-bust operation ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Bacoor Component City Police Station laban sa mga suspek at nasamsaman pa ng halagang 20.4 Milyon Piso ng mga iligal na droga bandang 4:00 ng umaga ngayon araw ng Lingo June 29, 2025.
Kinilala ang suspek na tsino na si Beongjun Cho, 47 anyos, pansamantalang residente sa Pasay City, Metro Manila at ang dalawang kasabwat na sina alyas “Shai”, 25 anyos at si alyas “Dave”, 47 anyos parehong taga Cavite.
Base sa ulat na ipinadala ni Cavite Police Provincial Director P/Colonel Dwight Alegre kay Calabarzon PRO 4A Regional Director Brigadier General Jack L. Wanky, nakumpiska sa pagi-ingat ng tatlong suspek ang tatlong (3) transparent plastic bag may bigat na tatlong (3) kilo na naglalaman ng mga pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P20,400,000.00., isang Ford Explorer na may plakang NCO 1861, isang Honda Civic na may plakang WEW 402, isang Armscor Cal.45 na baril na may laman na magazine at mga bala, isang cal.38 Revolver na may laman na dalawang piraso ng mga bala, isang cell phone, ID ng suspek na Chinese National at ang ginamit na buy-bust boodle marked money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act.(Koi Laura)