Maynila nakapagtala ng 100 % Level 2 PRIME-HRM maturity, inirekomenda ng CSC para sa Bronze Award
Advertisers
BINATI ni Mayor Honey Lacuna ang mga opisyal at kawani ng Maynila dahil sa panibagong karangalan na natamo nito.
Nabatid na natapos na ng pamahalaang lungsod ang tatlong-araw na Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in HR Management, na Kilala din bilang PRIME-HRM, kung saan nakapagtala ito ng 100% na rating sa lahat ng assessment areas.
Dahil dito ay binigyang papuri ni Mayor Honey Lacuna ang lahat na naging dahilan sa tagumpay at karangalang natamo ng lungsod, kabilang dito sina City Personnel Officer Miguelita Alonzo, City Council of Manila na pinamumunuan ni Secretary to the City Council Atty. Luch Gempis Jr., PRIME-HRM working team sa pamumuno ni Chief Administrative Officer Rosemarie Quiambao, HRM practitioners sa pamahalaang lungsod, pati na rin ang mga kawani ng lungsod as na lumahok sa nasabing programa.
Ayon sa lady mayor, natamo ng pamahalaang lungsod ang 100% rating para sa level 2 ng mga sumusunod na areas: Recruitment, Selection & Placement, Learning and Development, Performance Management, and Rewards & Recognition.
Ang ibig sabihin ng PRIME-HRM ay Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management. Ito ay isang mekanismo upang suportahan ang bisyon ng Civil Service Commission na maging Center of Excellence for Human Resource and Organization Development.
Ito ay may kalakip na mas malaking responsibilidad ‘di lamang sa human resource management officer (HRMO) kundi maging sa mga opisyal at rank-and-file na mga kawani ng kinauukulang ahensya. (ANDI GARCIA)