Advertisers
NAMATAY ang isang pulis Cavite habang kritikal ang isa pa nang barilin ng suspek na kalalabas lang sa Iwahig at namatay din matapos nitong agawin ng service firearm ng isa sa kanila sa Carmona Cavite Miyerkules ng umaga.
Kapwa isinugod sa ospital ang biktimang si PMSg Joel Mendoza at PSSgt Joseph Martin Fabula, kapwa nakatalaga sa Carmona Component City Police Station dahil sa tama ng bala sa katawan subalit binawian ng buhay sa Mendoza
Namatay din ang suspek na si alyas Oliver, 29, tubong Basilan.
Sa ulat, inaresto umano ang suspek sa kasong Trespassing at dinala sa Carmona Component City Police Station 9:20 kahapon ng umaga.
Pero pagdating sa presinto, sa hindi nabatid na dahilan ay tumanggi umano ang complainant na magsampa ng kaso laban sa suspek.
Subali’t bigla umanong inagaw ng suspek ang baril ni Mendoza kaya nagpambuno ang dalawa at nagresulta sa kanyang pagkakabaril at tinamaan din si Fabula. May tatlong tama rin ang suspek.
Wala pang malinaw na detalye kung bakit nang-agaw ng baril ang suspek na bagong laya sa Iwahig Prison and Penal Farm nitong June 28.
Narekober sa lugar ang isang Glock 9mm caliber na issued firearm kay Mendoza
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon. (IRINE GASCON)