Advertisers
Ni BENNY ANDAYA
SA social media, maanghang ang mga reaksyon ng mga nitezen tungkol sa bagong Encantadia ng GMA7.
Sa bungad pa lang ng kwento ay puro masaker at patayan ang ipinakita. Kabilang sa mga namatay or nawala ay ang mga makapangyarihang Sangre ng Encantadia at pati ang mga masna nito or mga tauhan. Dito bumuhos ang galit ng mga fanatic ng nasabing fantaserye. Hindi nila nagustuhan ang takbo ng kwento.
Pero ayon sa writer na si Miss Suzette, ang storyline ng new Encantadia ay sinunod sa 2005 version na Pag-Ibig Hanggang Wakas, pero may ilang changes.
Kaya naman, ang mga characters na namatay sa 2005 ay mamamatay din sa new version. Kung napanood nila ang buong Encantadia 2005, mas maiintindihan daw ang storyline.
Sabi din ni Miss Suzette, marami raw na mali sa 2016 version kaya inayos nila ngayon. Kailangan daw talaga mamatay ang mga old characters para bigyang daan ang mga bagong characters.
Bagay na hindi matanggap ng mga nanonood.
At sa Encantadia Chronicles, lahat daw ng OG characters ay mamamatay, kagaya sa 2005.
Well, subaybayan na lang natin ang mga karugtong na mga episode ng Encantadia para mas lalo pa natin maintindihan ang itatakbo ng kwento.
***
MAGIC VOYZ DINUMOG ULIT NG FANS ANG ANNIVERSARY CONCERT
ISANG patunay na kayang kaya na ng grupong MAGIC VOYZ mag concert. Pinatunayan nila ito nung nakaraang gabi sa Viva Cafe para sa kanilang first year anniversary concert. Dinumog ulit ng fans at followers ang nasabing grupo. Nagpakitang gilas, nagpakilig at pinatunayan nilang bihasa na sila sa concert stage.
Matagumpay ang concert ng grupo kaya tinatanong ngayon ang manager ng grupo na si LDG o Lito De Guzman kung pwede na sa malaking venue na ang susunod na concert ng grupo. Wala pa namang tugon dito ang butihing manager.
Sa concert ng Magic Voyz ay inawit ang kanilang original songs na “Wag Mo Akong Titigan” at “Bintana”. Kasama na ring itinanghal ng grupo ang kanilang latest at 3rd single na “Tampo” na naka-release na sa digital music platforms sa buong mundo.