Advertisers

Advertisers

Ivana bilib sa pagpapalaki ni Katrina sa anak na si Katie

0 9

Advertisers

Ni Beth Gelena

MAY bagong labas na music video ang SB19 kung saan si Stell ang kumakanta.

Kinanta niya ang theme song ng Meteor Garden in Tagalog version.

Sa TikTok, ibinahagi ng P-pop sensation ang 53-second clip of himself singing the Tagalog version of the “Meteor Garden” theme song, “Can’t Help Fallin,” originally sung by Josh Santana.

Fresh from their concert in Taiwan, Stell opened his short cover with the phrase “Sa letrang S” before belting out the song’s lyrics, accompanied by a minus-one track.

Humanga ang netizens at celebrities sa cover song ni Stell, with some even playfully poking fun at it.

Reaksyon nila: “Grabe ka na dao ming su!”

“Good singer, do you do weddings? like as the groom?”

Ang Meteor Garden ay hit ng Taiwanese drama noong 2001.

Pinangungunahan ito nina Jerry Yan, Vic Zhou , Vanness Wu, Ken Chu as the F4 boys at si Barbie Hsu (RIP) bilang Dong Shan Cai.

***

SA bagong vlog ni Ivana Alawi, bisita niya ang mag-inang Katrina Halili at anak nitong si Katie. Ani Ivana, labis siyang natutuwa sa mag-ina na napapanood sa videos ang mga ito kaya naisipan niya i-guest ang mag-ina na may titulong “Can’t say no.”

Sa vlog ay pinakitang nasa toy store unang nag-ayang mamili si Katie.

Labis din umanong humanga si Ivana sa kabutihan ng puso ni Katrina sa pagpapalaki nito sa pinakamamahal niyang anak.

Naging instant bonding moment ang kanilang pagsasama sa vlog na pinamagatang “Can’t Say No Challenge with Katie”, kung saan hindi maaaring tumanggi si Ivana sa kahit anong hiling ng anak ng Kapuso actress.

Ang unang hiniling ni Katie ay mamili sa isang toy store, na sinang-ayunan agad ni Ivana.

Sa gitna ng pamimili, namangha si Ivana sa disiplina at pag-uugali ni Katie, lalo na’t hindi basta-basta ito humihingi—ipinagpapaalam muna sa kanyang ina ang mga laruan bago ilagay sa kanyang shopping cart. Umabot sa tumataginting na Php64,000 ang kabuuang halaga ng pinamili ni Ivana sa mga laruan ni Katie.

Hindi pa doon natapos ang sorpresa, dahil nag-request pa si Katie ng bagong iPhone, na agad ding pinagbigyan ni Ivana.