Advertisers

Advertisers

3 MAG-INA, NILAMON NG APOY SA RIZAL!

0 28

Advertisers

PATAY sa sunog ang 60-anyos na ginang anak at manugang nito habang nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang isang biktima sa San Mateo Rizal.

Sa ulat ni San Mateo Fire Chief Capt. Richard Erickson Malamog, kinilala ng mga nasawi na sina Mercy Cacam, 60-anyos, anak na si Maricar Cacam Dela Cruz at mister nito na si Ken Dela Cruz, 28- anyos habang sugatan si Nelson Cacam, nasa hustong gulang at kapwa mga nakatira sa # 39 Neptune St., Sta Maria Subdm, ng nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat nangyari ang sunog dakong l:30 ng madaling araw at ideneklarang fire out dakong 2:50 ng madaling araw ng mga pamatay sunog o bombero.

Natagpuan ng mga fire investigator ang bangkay ng 3 biktimang sunog ang katawan sa loob ng bahay.

Paniwala ng mga imbestigador, posibleng mahimbing na natutulog ang 3 nasawi nang mangyari ang sunog habang ligtas naman ang sugatang si Nelson at nagpapagaling sa ospital.

Habang isinusulat ang balitang ito hindi pa matukoy ng mga bombero ang ugat ng sunog at nagpapatuloy ang imbestigasyon para matiyak ang pinagmulan ng apoy. (Edwin Moreno)