Advertisers

Advertisers

Empleyado ng IACT pinatay sa loob ng bahay

0 13

Advertisers

NATAGPUANG patay ang isang lalaki na empleyado ng Inter Agency Council for Traffic (IACT) sa loob ng kanilang bahay sa General Trias City, Cavite, Biyernes ng madaling araw.

Ang biktima na kinilalang si Hervin Cabanban ay nagtatrabaho sa IACT at residente ng Heneral Uno Brgy. Pasong Kawayan 2, General Trias City, Cavite.

Ayon sa salaysay ng kanilang mga kapitbahay, 2:00 ng madaling araw nang nakarinig sila ng putok ng baril subali’t binale-wala nila ito.



Kinabukasan, napansin nila na bukas ang pintuan ng bahay ng biktima kaya inusyuso nila kungsaan nakita nila ang biktima na duguang nakahandusay sa sahig at may tama ng bala sa ulo.
Inaalam pa kung ano ang motibo ng pagpatay.

Magsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV sa lugar sa posibleng pagkakakilanlan sa salarin at pagkakaaresto nito.(Irine Gascon/Koi Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">