Advertisers
Patuloy na nagpapakita ng mahabagin na pamumuno ang pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pamamagitan ng pagliligtas sa 45 na naninirahan sa lansangan mula sa mga lansangan ng North at South Caloocan, kabilang ang mga senior citizen at menor de edad, sa dalawang back-to-back reach-out operations ngayong buwan.
Binigyan ng Caloocan Social Welfare Development Department (CSWDD) ang mga nasagip na street dwellers ng maiinit na pagkain, sariwang damit at tsinelas, at hygiene kits. Binigyan din sila ng counseling at livelihood assistance, at ang ilan ay ligtas na naiuwi sa kanilang mga tahanan.
Lumalabas din sa karagdagang imbestigasyon na ang mga senior citizen na nasagip, nakarehistro na bilang mga recipient ng mga programa at serbisyo ng Office for Senior Citizens Affairs.
Dalawang nasa hustong gulang na kabilang sa mga nasagip nabigyan din ng screening at testing para sa substance at illegal drug abuse.
Pagkatapos, itinurn-over sila sa kanilang tumatanggap na pamilya at iniendorso sa Barangay Anti-Drug Abuse Council at Caloocan City Anti-Drug Abuse Office para sa karagdagang tulong at interbensyon.
Samantala, nagsagawa rin ng parenting effectiveness session para sa mga magulang at tagapag-alaga ng mga nasagip na menor de edad, kung saan ipinabatid din sa kanila ang mga legal na epekto ng pagpapabaya sa bata.
Pinapirma rin ang mga magulang at tagapag-alaga sa isang kasunduan sa pamahalaang lungsod kung saan ipinahayag nila ang kanilang pangako sa pangangalaga sa kanilang mga anak.
Binigyang-diin ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na ang pamahalaan ng Lungsod ng Caloocan, na nakatuon sa pagprotekta sa mga nasasakupan nito mula sa pinsala at pagbibigay sa kanila ng holistic na pangangalaga at serbisyo.
“Malaking problema sa bawat lungsod ang mga street dweller kabilang na po dito sa Caloocan. Kaya naman pinagsusumikapan namin na ma-rescue mula sa kalsada ang mga street dweller, lalo na ang mga menor de edad at senior citizen upang mabigyan sila ng sapat na pagkalinga o maibalik sa kanilang mga tahanan,” wika ni Mayor Along.(BR)