Advertisers

Advertisers

P304-M shabu naharang sa NAIA T-3 ng OBP-AVSEGROUP

0 54

Advertisers

INANUNSIYO ni Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) Director, PBGen Jason Capoy, ang pagkakahuli ng dalawang pasaherong may dalang iligal na droga sa loob ng parehong araw sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nitong Hulyo 14, 2025, Lunes.

“To those who attempt to smuggle illegal drugs through our airports, let this serve as a warning: you will be caught and you will face the full force of the law. Our airports will never be safe havens for criminal activity. We will protect our borders at all costs”, ani Capoy.

Ang mga suspects na nahulihan ng shabu sa parehong araw habang iniimbentaryo sa harap nila ang mga nakumpiskang droga.

Sinabi ni Capoy na ang operation ay naging matagumpay sa pakikipag-ugnayan ng Bureau of Customs-NAIA sa ilalim ni Disrict Collector Alexandra-Yap Lumontad at deputy collector for passenger services Dr.Mark Jhon Almase, Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at PDEA K9 Team.

Ang unang nahuli ay isang 25-anyos Filipino na dumating mula Toronto, Canada na may connecting flight mula Hong Kong at may dalang higit ?139 million halaga ng shabu.

Napuna ng x-ray screeners sa Arrival International Area ang kahina-hinalang imahe sa kanyang bagage at ayon kay Lumontad, nang iatas sa customs officer ang manual inspection ay natagpuan ang limang transparent plastic bags na nakabalot ng foil at duct tape at naglalaman ng iligal na droga.

Sa pakikipag-ugnayan ng BOC-NAIA sa PNP-AVSEGROUP, dumating ang PDEA narcotics detection dog at nakumpirmang droga nga ang natagpuan sa bag.

Sa field testing ay napatunayang methamphetamine hydrochloride o shabu ang droga na tumitimbang ng 20,554 grams at nagkakahalaga ng P139,762,200.

Agad na inaresto ang pasahero at binasahan ng karapatan at ang imbentaryo ay ginawa sa kanyang harapan.at mandatory witnesses.

Kinahapunan sa parehong araw naman nang mahuli ang isang babaeng Canadian passenger na may dalang 24 kilograms ng shabu sa parehong terminal.

Ani Capoy, natagpuan din ang droga sa routine X-ray screening ng bagahe at sa manual inspection ng BOC-NAIA personnel ay nakita ang ilang plastic bags na naglalaman ng 24,231 grams ng shabu na may halagang ?164,770,800.

Kapwa kinasuhan ang mga nasabing pasahero ng paglabag sa Republic Act 9165, the Comprehensive Dangerous Drugs Act at sila, kasama ang mga nakumpiskang droga, ay nananatili sa kustodiya ng NAIA-IADITG Operations Centern habang naghihintay ng legal proceedings.

“This arrest shows the government’s firm stance against illegal drugs. Law enforcement cooperation at airports is crucial,” ayon kay Capoy. (JERRY S. TAN)