Advertisers

Advertisers

Babeng tulak, arestado sa Malabon buy bust

0 115

Advertisers

Arestado ang isang babeng tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) nang matimbog sa ikinasang buy bust operation sa Malabon City, Miyerkules ng umaga.

Kinilala ni P/Capt. Regie Pobadora, OIC chief ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang naaresto na si alyas “Reign”, 25, ng Caloocan City na mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Jerry Protacio, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng suspek.



Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng DDEU, agad nilang ikinasa ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA.

Makaraang makabili ang kanilang kasama na nagpanggap na poseur-buyer at positibo na ang kanilang transaksyon, agad lumapit ang mga operatiba ng DDEU saka dinakip ang suspek 6:33 ng umaga sa Brgy. Tugatog, ng lungsod.



Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na estimated standard drug price value na P340,000.00 at buy bust money. (Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">