Advertisers

Advertisers

Epifanio delos Santos idineklarang lokal na bayani sa Malabon

0 52

Advertisers

OPISYAL na idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang kilalang mananalaysay at manunulat na si Epifanio Delos Santos bilang Lokal na Bayani.



Dahil sa kanyang hindi matatawarang kontribusyon sa panitikan, kultura, nilagdaan ni Mayor Jeannie Sandoval ang City Ordinance No. 12-2025 bilang pagkilala kay Epifanio de los Santos bilang Lokal na Bayani ng Malabon, at nag-uutos sa lahat ng Malabueño na bigyan siya ng paggalang, karangalan, at pagkilalang nararapat sa kanya, na ang kanyang pangalan ay sumisimbolo sa pagmamalaki ng lungsod sa pambansa at internasyonal na mga komunidad para sa mga susunod na henerasyon.

“Ating pinapahalagahan ang naging buhay, pananaw at kontribusyon ng ating mga bayani na masasabi nating nagbigay ng daan para sa mas malayang Pilipinas. Kaya naman po, ating kinikilala ang dakilang si Epifanio Delos Santos na isang Malabueno, bilang bayani para sa kanyang mga naiambag sa ating lipunan lalo na sa edukasyon ng mga kabataan, kalayaan, at pagpapaunlad ng ating bayan,” ani Mayor Jeannie.

Si Epifanio Delos Santos (1871–1928), ay ipinanganak sa Malabon at kilala ring abogado, civil servant at iskolar na Pilipino.

Isa rin siyang mahusay na editor at nag-ambag sa iba’t ibang rebolusyonaryo at repormista na mga publikasyon noong panahon ng Kastila at Amerikano.

Naglingkod din siya bilang Gobernador ng Nueva Ecija, miyembro ng Philippine Assembly, at Direktor ng Philippine Library and Museum (ngayon ay National Library).

Inialay niya ang kanyang buhay sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino, pagtataguyod ng nasyonalismo at edukasyon, at pagpapalalim ng pag-unawa sa pagkakakilanlan at pamanang Pilipino.(Beth Samson)