Advertisers
“NO Sacred cow.”
Ito ang pagtitiyak ni Interior and Local Government Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla sakaling mayroong mga masasangkot na mga Local Chief Executive sa pagkawala ng mga sabungero sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon sa nasabing kaso.
“No sacred cows. Kahit mayor, kahit governor, kahit senator basta kasama sila doon sa alpha group na yan, anyone involved in the alpha group will be charged kung magpunta ng case buildup,” pahayag ni Remulla.
Kaugnay nito, sinabi ni Remulla na hiningan na ng paliwanag ang 12 mga aktibong pulis na isinasangkot sa pagkawala ng mga sabungero ni whistleblower Julie “Dondon” Patidongan o alyas Totoy matapos na pormal na naghain ng reklamo sa National Police Commission (Napolcom).
“Pumunta si alias Totoy nag-file siya ng case and nag-serve notice na kami sa active police personnel and they will give their counter-affidavit. So depending on their counter-affidavit then we will go through the normal process. DOJ is on the process of doing a case buildup, magkasama kami ng DOJ to come up with a rational conclusion to the missing sabungeros story,” saad ni Remulla.
Samantala sinabi naman ni Remulla na kanilang hinihintay ang resulta ng isinagawang pagsusuri ng Philippine National Police Forensic Group (PNP-FG) sa mga nakuhang piraso ng buto ng tao sa Taal Lake kung saan umano inilubog ang mga nawawalang sabungero. Gayon din ang isasagawang DNA testing sa mga kamag-anak ng mga nawawalang mga biktima.
“Kung yung hip bone ties up to one of the missing sabungeros then it will be conclusive already na nag-co-corroborate ang buong istorya ni alias Totoy,” ani Remulla.
“Well it brings us closer to the conclusion of the story. It all ties up now yung sinabi ni alias Totoy kung nakita yun kasi may video tayo ng abduction, may video tayo ng force confession. Ngayon kung mahanap yung katawan then it all ties up na it is a grand conspiracy,” dagdag ni Remulla. (Mark Obleada)