Advertisers

Advertisers

Panawagan kay Bulacan PD Col. Angel Gracillano illegal online sabong sa lalawigan tuloy pa rin – EO No. 9 ni PBBM pustiso ba?

0 42

Advertisers

TINATAWAGAN natin ng pansin ang bagong upong Bulacan Police Provincial director na si Col. Angel Gracillano para patunayan na hindi “Pustiso” ang EO No.9 ng Pangulong Bongbong Marcos.

Dapat sigurong magpakitang gilas itong si PD Gracillano kaya katukin natin mga Ka Usapang HAUZ ang kanyang tanggapan upang ipahuli ang mga sabungan sa kanyang nasasakupan kada hapon hanggang gabi ay nagsasagawa ng illegal na online sabong.

Ginagawa ito sa kabila ng mariing direktiba ni PBBM na ipagbawal ang online sabong sa ilalim ng Executive Order No. 9.

Marami ang nagtataka mga Ka Usapang HAUZ na sa kabila ng EO9 na pirmado ni President Marcos ay hayagan itong nangyayari sa bansa kung saan kinukunsinti ng ilang tiwaling indibiduwal at ilang tiwaling awtoridad.

Para maniwala si Col. Gracillano Sir, gusto nating hamunin siya na pasyalan ang mga sabungan sa kanyang nasasakupan upang personal na makita na tuloy ang sabong online sa mga sabungan sa Bulacan, pasyalan mo sir wag ka lang tataya.

Bibigyan ka ng tip PD sir, duon mismo sa sabungan ang tayaan sa online kung saan ay may mga nakakabit na camera sa bawat ruweda upang maipalabas ito nang live vía online.

Ilan sa mga sabungan na may illegal na e-sabong ay ang Dona Remedios Trinidad Cockpit Area, Algay Cockpit Arena at Edwin Cockpit Area sa San Jose del Monte, Norzagaray Cockpit Arena, San Roque Colosseum, Baliwag Circle Cockpit Arena sa Catulinan, bayan ng Baliwag; Golden Colosseum Cockpit sa Calumpit.

Gayundin sa New Kikitisan Cockpit Arena sa Calatagan at New Nasugbu Cockpit Area sa Nasugbu, Batangas. May talamak na illegal na e-sabong din sa Samar province tulad sa Calbiga Cockpit ARena, Marabut Gallera Cockpit Arena at Giporlos Cockpit Arena.

Ayan Sir PD Gracillano ang linaw ng mga lugar at pangalan ng mga illegal na Online Sabong sa Bulacan para naman masabing hindi “Pustiso” ang EO9 ng Pangulo abay kilos na.

Nauna na nating ibinunyag na isang alyas Paul Tangkad na mula sa Special Task Force (STF) ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagbibigay proteksiyon mga illegal na e-sabong, ewan lang mga Ka Usapang HAUZ kung ano na ang naging resulta ng ginagawang imbestigasyon ng IAB.

Naniniwala tayo na wala kahit isa sa Bulacan PD ang patong sa illegal na online sabong kaya magandang umaksiyon agad hinggil dito ang magaling, tapat at matapang na si Col. Gracillano.

Dapat nga ?y ipahuli r?n nito si Paul Tangkad saka kasuhan at ipabulok sa bilangguan.

Lantarang ginagamit ni Paul Tangkad ang pangalan ni NBI chief Director Jimmy Santiago na diumano’y may P2 million protection money na nakokolekta mula sa kotong.

Ang ginagamit na tagakuha ng tongpats ni Paul Tangkad ay isang alyas Limuel, Noel Taba, Jack Tarlac at Alias Jun Datu,

Sana ay kapwa kumilos na ang Bulacan PD at NBI hinggil dito, Abangan natin ang tugon ni Col. Gracillano.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036