Advertisers

Advertisers

ANIM NA TAON NG PAGHAHANAP SA KATAHIMIKAN

0 42

Advertisers

MAHIGIT na anim na taon na, nang maitatag ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Napabilang dinang inyong lingkod dito nang mapili tayong maglingkod sa bayan.

Saksi ako, sa mga malalaking bagay na nakamit ng task force para sa ating bayan. At naniniwala ako na malayo pa ang ating mararating, kung kapayapaan at katahimikan sa bansa ang ating hinahanap.

Pero dito sa buhay sa ating mundo di laging ikaw ay bida, gaya ng NTF-ELCAC, ito ay tinuturing na kontra bida ng mga nasasagasaan nitong mga organisasyong kakuntsaba ng mga komunista.

Kamakailan lamang, naglabas ng matatag na pahayag ang NTF-ELCAC bilang pagtindig sa mandato nito, kasabay ng panawagan sa mga kritiko, media, at civil society na huwag magpabulag sa “paulit-ulit na paninisi” at kilalanin ang kapayapaang bunga ng anim na taong pagsusumikap.

Sa matalas na pahayag, binalaan ni Executive Director Ernesto C. Torres Jr. ang publiko laban sa tinawag niyang “digmaang naratibo” na binabalewala ang mga tagumpay at pinapatingkad lamang ang mga kontrobersyal, lalo na sa gitna ng mga batikos mula sa United Nations Special Rapporteur.

“Wala tayong mapapala, at napakarami nating maaaring mawala, kung pahihintulutan nating mabalewala ang mga tagumpay ng nakaraang anim na taon sa pamamagitan ng mga kuwento na puro drama at walang laman,” ani Torres, at iginiit na ang kapayapaan ay hindi milagro kundi resulta ng maingat na pagtutulungan at koordinasyon ng iba’t ibang ahensya.

Binanggit niya ang 18 na puwesto na pag-angat ng Pilipinas sa World Press Freedom Index at ang naitalang zero na kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag noong 2024—mga tagumpay na aniya’y tila di pinapansin sa pangunahing diskurso. Idinagdag pa niyang patunay ng tunay na reporma ang pagbuo ng Inter-Agency Committee on Extra-Legal Killings sa bisa ng Administrative Order No. 35.

Bagama’t inamin niyang patuloy na inaatake ang NTF-ELCAC ng CPP-NPA-NDF at ng kanilang urban networks, sinabi ni Torres na inaasahan na ito. Hinihikayat niya ang lahat ng sektor na kilalanin ang pagbabago ng Task Force—mula sa pagiging nakatuon sa seguridad tungo sa inklusibong kaunlaran at localized peace initiatives.

Nanawagan si Torres ng mas makabuluhang pakikipag-ugnayan at iniimbitahan maging ang pinakamahigpit na kritiko ng Task Force na saksihan mismo ang pagbabago sa mga komunidad at pakinggan ang mga kwento sa likod ng datos. “Kung tunay ang malasakit, sana’y mas marami ang makinig kaysa maghusga,” ani Torres.

Paalala ni Torres, “ang tunay na sukatan ng progreso ay hindi nasa ingay na ating ginagawa, kundi sa katahimikang tinatamasa ng ating mga kababayan.”