Advertisers
BUKING ang isang kahero nang hindi makapag-remit ng kinita ng pinapasukan nitong litsonan nang maipatalo sa sugal sa online, Huwebes ng madaling- araw
Sa ulat kay Northern Police District Director, Brigadier General Jerry V. Protacio, ni Malabon Police chief Col. Allan Umipig, inaresto ang kaherong si alias “Jaymuel”, 28 anyos, stay- in cashier sa Butiroks Lechonan na matatagpuan sa Brgy. Catmon, Malabon City.
Ayon kay alias “Ann”, 47, ng Tangos Navotas, may-ari ng litsonan , hindi nai-remit ni Jaymuel ang kinita ng llitsonan na halagang P16,000.00 nang magsumbong ang saksing si alias “Lea” , helper/collector dahilan para i-report ito.
Sa pagresponde ng mga operatiba ng Sub- Station 4, MCPS, inamin ng kahero na naipatalo nito sa online gambling (scatter) ang pera, at patatawarin ng amo kung maibabalik ng oras na iyon, subali’t hindi na naibalik ang perang ipinatalo sa sugal.
Dito na inaresto ng pulisya ang kahero. (Beth Samson)