Advertisers

Advertisers

Cong. Oreta, handang umayuda sa Malabonian lalo sa panahon ng kalamidad

Mula City Hall hanggang Kongreso

0 62

Advertisers

Noong Mayor ng Malabon si Lenlen Oreta, hindi na kailangang maghintay pa ng ayuda o aksyon kapag may bagyo, baha, o kahit anong sakuna. Bakit? Dahil buo ang kanyang makina. May 40 department heads, may kompletong kagamitan, at may city hall na umaandar 24/7 kapag kailangan.

Kapag may kalamidad, palaging handa. Kapag may pangangailangan, laging may tugon. Ika nga ng marami: “Noong si Mayor Lenlen ang nakaupo, sigurado may aasahan.”

Ngunit ngayong siya ay nasa Kongreso na, marami ang nagtatanong—magagawa pa rin ba niya ang dati niyang istilo ng serbisyo kung ang kanyang opisina ay 74 square meters lang at 12 katao lang ang kanyang staff?



Ang sagot: Oo. At higit pa.

Ang totoo, dito mo makikita ang tunay na lider. Sa harap ng mas maliit na espasyo at mas limitadong resources, hindi huminto si Cong. Lenlen Oreta sa pagtugon sa pangangailangan ng kanyang mga kababayan sa Malabon. Sa halip, mas lalo pa siyang nakilala bilang isang lider na marunong magpakilos ng komunidad, kahit wala na siyang buong city hall sa likod niya.



Ang dating battle cry niya bilang mayor—“Basta’t sama-sama, lahat kaya natin”—ay buhay na buhay pa rin sa Kongreso. Sa maliit na opisina niya sa Barangay Tinajeros, kusang dumadating ang mga volunteers. Kusang nag-aambagan ng oras at effort ang mga kabataang gustong tumulong. At lahat ito ay dahil malinaw sa kanila ang mensahe: hindi kailangang malaki ang opisina para makapagbigay ng malaking serbisyo.

Ang pamahalaan, sabi nila, ay isang sistema. Ngunit sa karanasan ni Cong. Lenlen, isa rin itong komunidad—na kapag pinakilos nang sama-sama, ay mas malakas pa sa pinakamalaking opisina.



Minsan, akala natin ang pagiging epektibo ay nakabase sa laki ng opisina, dami ng staff, o taas ng posisyon. Pero sa kaso ni Cong. Lenlen, ang epektibong pamumuno ay nasa kakayahang makiisa, makisama, at magpakilos ng marami gamit ang iisang layunin: Makapagbigay ng kalinga sa bawat Malabonian sa panahon ng kalamidad.

Wala sa titulo ang tunay na serbisyo. Noon sa city hall, ngayon sa Kongreso, iisa ang layunin ni Cong. Lenlen Oreta: ang itaguyod ang POGI Solutions—Pagkain, Oportunidad, Ginhawa, at Imprastraktura—para sa bawat Malabonian. Sa panahon ng kalamidad, krisis, o pang-araw-araw na pangangailangan, hindi siya nawawala.

Sa panahong maraming politiko ang naka-upo sa malalaking opisina pero walang nararamdamang serbisyo, mas pinipili ng marami si Cong. Lenlen Oreta—na kahit sa maliit na silid, ay may malasakit na kasing lawak ng lungsod ng Malabon.(RA)