Advertisers

Advertisers

PBBM, mga politiko ginawang rason ni Baste sa hamon kay Torre

0 5,437

Advertisers

NAGING katawa-tawa sa madla at netizens ang ginawang paghamon ng suntukan, tapos paglatag ng kondisyon ni Davao City acting Mayor “Baste” Duterte kay PNP Chief, General Nicolas Torre, matapos siyang kasahan ng huli.

Sa kanyang video sa kanyang Facebook page, ginawang palusot ni Baste para makaiwas sa kanyang paghamon kay Torre ang elected officials, pati si Pangulong “Bongbong” Marcos. Papatulan lamang aniya si Torre kung magpa-drug test lahat ng elected officials partikukar si PBBM. Ngek!

Natawa ang netizens sa video na ito ni Baste. Kasi nga siya ang naghamon, tapos nang kagatin ni Torre ang kanyang hamon, biglang nag-set ng kondisyon. Hahaha…

Anyway kung ang hamon niyang magpa-drug test ang elected officials, meaning pati siya ay kabilang sa magpa-drug test dahil elected din siya. Mismo!

Palusot ni Baste, unang nag-set ng kondisyon si Torre. Kaya dapat mag-set din siya ng kondisyon niya para matuloy ang kanilang laban.

Kung hihimayin, hindi kondisyon ang ginawa ni Torre na gawing charity ang kanilang laban ni Baste, 12 rounds boxing, na gagawin sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.

Sabi kasi ni Torre, ang kikitain ng laban nila ni Baste kung matutuloy ay ibibigay sa mga nasalanta ng bagyo. Hindi ito kondisyon. Very good ito!, may makikinabang na mga biktima ng bagyo sa kanilang bugbugan. Kaso ang gusto yata ni Baste ay sa kalye sila magsuntukan ni Torre. Hahaha…

Dahil sa ginawang palusot ni Baste, laman siya ng social media, naging pulutan sa mga umpukan, inuman sa kalye, videoke bars at malalaking watering holes, kungsaan dumami naman ang bumilib kay Torre.

Sabi ng netizens, mga duwag talaga ang pamilya Duterte. Puros mura at salita lang pero hindi kayang lumaban ng mano-mano.Mismo!

Ang ama kasi ni Baste na si ex-President Rody Duterte noong nasa poder ay panay ang paghahamon, pero kapag kinagat ang hamon ay gagawa ng mga palusot para ‘di matuloy ang laban; gayundin ang sister ni Baste na si Vice President Sara, ang hilig maghamon pero kapag kinasaan, gagawa ng rason para makaiwas. Ganun din ang utol niyang si Congressman Polong, nang hamunin si ex-Senator Antonio Trillanes at sabihan ni Trillane na hubarin muna ang kanyang damit para makita ang kanyang tattoo ng “drug mafia” sa likod, umayaw na. Hehehe…

Balikan natin ang hamunan: Mantakin mo, 37 anyos lang si Baste, nasa kanyang kalakasan; habang ang kanyang hinamon ay 55-anyos, malapit nang magretiro sa serbisyo. Tapos nang tanggapin ang hamon, ginawang palusot ang mga taong walang kinalaman sa paghamon niya kay Torre. Bugok nga! Hahaha…

Sabi nga ng netizens, kung ang laban nina Manny Pscquiao at Barrios ay nauwi sa draw, ang hamong suntukan naman ni Baste kay Torre ay drawing. Oo nga. Hehehe…

Pero hihintayin daw ni Torre si Baste sa Linggo, 9am, sa Rizal Coliseum. Let’s see!!!