Advertisers

Advertisers

YAMAN NG KALUSUGAN PROGRAM INILUNSAD NI PBBM

0 19

Advertisers

ISA na namang positibong hakbang ang inilunsad ng administrasyong Marcos sa pagsulong ng digitalization sa mga pangunahing serbisyong pampubliko.

Sa kanyang talumpati sa Quezon City para sa paglulunsad ng Yaman ng Kalusugan Program para sa Malayo sa Sakit (YAKAP), inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas pinadali na ang pag-avail ng mga serbisyo ng PhilHealth sa pamamagitan ng teknolohiya.

Aniya, ang digital transformation ay isa sa mga pangunahing inisyatibo ng gobyerno para maihatid ang mabilis, episyente, at accessible na serbisyo sa mga mamamayan.

Sa halip nga naman na pumila at magkumpleto ng mga dokumentong mano-mano, maaari nang magparehistro online, kumuha ng digital na reseta, at ma-access ang medical records gamit lamang ang internet.

Aba’y isa sa mga kapansin-pansing inobasyon ay ang paggamit ng QR code para sa pagkuha ng gamot.

Kapag nabigyan ng digital na reseta, hindi na kailangang bumalik sa ospital—pumunta lamang sa pinakamalapit na PhilHealth-accredited na botika, ipakita ang QR code—at makukuha na ang kinakailangang gamot.

Isang napakalaking ginhawa ito lalo na sa mga pasyenteng may limitasyon sa oras at kakayahang maglakbay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Bukod pa rito, hinikayat din ng Pangulo ang publiko na i-download ang eGOV PH Super App, isang all-in-one na plataporma kung saan maaaring ma-access ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno anumang oras at kahit saan.

Malinaw na ipinapakita nito ang seryosong hangarin ng pamahalaan na yakapin ang makabagong teknolohiya upang mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino.

Noong panahon ng pandemya, nakita ang mga kakulangan sa sistema ng kalusugan. Ang pagsulong ng digital healthcare ay tugon sa mga ito, at layuning makapagbigay ng agarang solusyon sa mga suliraning matagal nang kinakaharap ng publiko.

Nararapat na suportahan ng taumbayan ang ganitong uri ng inobasyon.

Kapag naging mas episyente ang serbisyong medikal, mas marami ang maliligtas, at mas magiging malusog ang kinabukasan ng bansa.

***

Catch Gilbert Perdez’s “Barangay 882” radio show every Saturday from 4:00 PM to 5:00 PM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ ON-DEMAND on YouTube. You can contact him via email at gil.playwright@gmail.com or through this number: 0991-3543676.