Advertisers

Advertisers

Romualdez ‘nanggagapang’ para kay Sen. Sotto; at Baste ‘di sinipot si Torre

0 4,263

Advertisers

NGAYONG Lunes, Hulyo 28, na ang pagbubukas ng sesyon ng 20th Congress at dito na pipili ang mga mambabatas ng Senate President sa Senado at House Speaker sa Kamara.

Sa Senado, nakakasigurado nang magbabalik si Senator Chiz Escudero bilang Senate President matapos sabihin mismo ng mga kapwa niya senador na 18 na silang pumirma sa isang resolusyon ng pagsuporta sa kasalukuyang Senate leader. Habang sa House of Representatives, mukhang si Congressman Martin Romualdez na uli ang Speaker, base narin sa press releases ng kanyang opisina na may suporta siyang 291 congressmen.

Congrats sa kanilang dalawa!

Hindi na bago o ginagawa naman talaga na mangalap ng suporta sa kani-kanilang bakuran ang isang Senate President o isang House Speaker para makuha ang kani-kanilang puwesto. Pero hindi tama kung ginagapang mo na ang kabilang bahay para makapangalap ng suporta para sa iyong minamanok sa puwesto. Mismo!

Ito ang ginagawa ngayon ni Speaker Romualdez. Ayon sa isang source, tinawagan daw ni Romualdez ang Tulfo brothers, Senators Raffy at Erwin, para hikayating piliin nila si Senator Tito Sotto sa eleksiyon para sa Senate President. Ginagamit pa raw ni Romualdez ang pangalan ni Pangulong Bongbong Marcos. Ito raw ang utos ng Pangulo. Ganun? Eh di wow!!!

Ang magkapatid ay nagsapubliko na ng kanilang suporta para kay Senate President Escudero. At kahit ang sumusuporta kay Escudero na si Senator JV Ejercito ay ginagapang din daw ni Romualdez para kay Sotto. Tsk tsk tsk…

Sa gitna ng pagkabasura ng Korte Suprema sa depektibong impeachment complaint ng Kamara laban kay Vice President Sara Duterte, mukhang hindi parin talaga tumitigil si Romualdez sa kanyang “misyon” na tuluyang mapatalsik sa puwesto ang Bise Presidente, at si Sotto ang balak niyang gawing pambala sa kanyon. Buking!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

***

Walang Davao City actong Mayor Sebastian “Baste” Duterte na sumipot sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila nitong Linggo para sa hamon niyang “suntukan” kay Generall Nicolas Torre, ang Chief PNP.

Sa kabila ng balitang lumipad sa Singapore si Baste noon pang Huwebes, naglagay parin ng boxing ring ang mga sponsor para sa “charity fight” ng 37-anyos na alkalde at nang 55-anyos na Chief PNP.

Sa halip ay nagsalita si Baste na sa Martes nalang niya haharapin si Torre pero dapat walang camera at lahat ng elected officials ay magpa-drug test, kabilang si Pangulong BBM.

Kita mo ang mga palusot na ito ni Baste. Matapos hamunin ng suntukan si Torre at kagatin ang kanyang hamon, kung ano-anong mga kondisyon na ang hinihingi. Kondisyon na napakaimposibleng mangyari. Bugok talaga!

Well ganito na talaga silang pamilya eh. Naghahamon, tapos pag tinanggap ang kanilang hamon, gagawa na ng mga palusot para ‘di mangyari ang kanilang hamon. Mga wagdu pala ang mga animal!

Pukaw namo!