Advertisers

Advertisers

REMULLA, WANKY, RED, KALADKAD SA KOLEKTONG NINA HERO AT KA MINONG!

0 1,382

Advertisers

SIMULA noong Oktubre 2024 nang maupo bilang acting PNP Provincial Director si Col. Dwight Alegre ay inaasam-asam na ng mga taga-Cavite na magkakaroon ng pagbabago sa pamunuan at liderato ng kapulisan sa kanilang probinsya at maging sa Region 4-A dahil matutuldukan na ang paghahari-harian ng dalawang notoryus na kriminal na sina alyas Hero at alyas Ka Minong.

Bukod sa kinatatakutan ang mga ito na mga underworld character, sina alyas Hero at alyas Ka Minong ay kilala ding mga “kapustahan” (police tong collector) gamit na panakot ang mga pangalan ng tanggapan ng PNP Region 4-A Director at maging ang opisina ni dating OIC PD Alegre.

Nang mapalitan sa pwesto sina dating PNP Region 4-A Director BGen. Paul Kenneth Lucas at PD Col. Alegre ay labis ang tuwa at umasa ng pagbabago ang mga Caviteño sapagkat akala ng mga ito ay nawala na ang “tatay-tatayan” nina alyas Hero at Ka alyas Ka Minong?



Ngunit ang nangyari ay lalong pang lumala ang mga kabulastugan na pinaggagagawa ng dalawang kumag. Pati pala ang pangalan ng mga Remulla, PNP Region 4-A Director BGen. Jack Wanky at ng bagong Cavite PNP-OIC Provincial Director na si Col. Ariel Red ay ipinangangalakal na din ng dalawang tulisang ito sa mga ilegalistang nag-ooperate sa mga siyudad at munisipalidad ng Cavite?

Hindi pa man natatagalang nakaupo sa kani kanilang mga pwesto sina Cavite Governor Gabriel “Abeng” Remulla, Gen. Wanky at Col. Red ay kalat na kalat na ang balita sa sirkulo ng PNP, sa mga ilegalista at lalo’t higit sa mga mamamayan ng Cavite na may lingguhang kolektong sina alyas Hero at alyas Ka Minong para sa pangalan ng tanggapan ni Gov. Abeng, BGen. Wanky at Col. Red.



Alam kaya nina Gov. Abeng, BGen. Wanky at Col. Red, nina Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla at DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na kapwa itinuturing na “haligi ng Cavite” na kinakaladkad din nina alyas Hero at alyas Ka Minong ang mga pangalan nila sa paggawa ng kanilang pagkaka kwartahan?

Ang dalawa din ang nagbibigay basbas kung sino-sinong mga vice operator ang pahihintulutan na makapag-operate sa lalawigan ng Cavite.



Nagbabala si PNP Chief Nicolas Torre III na sinumang pinuno ng kapulisan na hindi tatalima sa 5-minute response ay kanyang sisibakin sa pwesto. Ngunit karamihan sa mga police chief ni Col. Red sa Cavite ay mga bulag, pipi, bingi at hindi kumikilos laban sa mga gambling den na pinatatakbo din nina alyas Hero at Ka Minong sa Cavite sa pangambang mapag-initan sila ng dalawang tulisan.

Napakaraming taga Cavite na ang nagsumbong sa kanilang mga police chief hinggil sa mga katarantaduhang pinaggagawa nina alyas Hero at alyas Ka Minong, ngunit hindi naaaksyunan ang kanilang panawagan na police assistance.

Ayon sa karamihan na residente ng Carmona City ay napupudpod ang kanilang mga daliri sa katatawag sa 911 sa paghingi ng police assistance,hindi sila pinapansin sa kanilang panawagang ipasara ang kuta ng buriki/pahi at arestuhin ang mga nagpapatakbo nito sa Brgy. Bancal, Carmona City.

Ipinagyayabang ng mga lider ng mga magnanakaw ng petrolyo at Liquified Petroleum Gas (LPG) na sina Amang Aldo at Violago na lider din ng sindikato ng buriki/paihi sa Region 3, na may parating sila na lingguhang daang libo sa tanggapan ng mga Remulla, Gen. Wanky at Col. Red.

Ipinangangalandakan pa ng buriki/paihi operator na sina Amang, Aldo at Violago na malaki ang naiambag ng mga ito na election fund sa mga Loyola noong May 2025 election.

Sa payola ng pinatatakbong mga saklaan nina alyas Hero at alyas Ka Minong sa mga bayan ng Alfonso, Amadeo, Maragondon, Ternate, Naic, Bailen, Magallanes, Indang, mga siyudad ng Dasmariñas, Bacoor at Cavite ay nakadetalye din ang mga pangalan ng opisina ng mga Remulla, Gen. Wanky at Col. Red.

Pati sa talamak na operasyon ng Small Town Lottery (STL) bookies o jueteng na siniyasat ng kamara noong nakaraang taon; bookies ng EZ 2, pick 3 at Perya ng Bayan (PnB) at online gambling na ino-operate nina Jun Toto, Nita Kabayo, Kap Abner, Santander sa Dasmariñas City, Bacoor City, Cavite City at iba pang mga siyudad at bayan ay “pasok” din ang mga tanggapan ng mga Remulla, Gen. Wanky at Col. Red.

Hindi na dapat hintayin nina Gen. Wanky at Col. Red na ipasalida ni PNP Chief Torre III sa kanyang mga pinagkakatiwalaang operatiba mula sa Camp Crame ang gambling at kolektong operation nina alyas Hero at alyas Ka Minong sa Cavite sapagkat malamang na sa kangkungan sila pupulutin?

***

Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144