Advertisers
Dahil sa pinaigting na manhunt operation ng mga awtoridad mula sa bayan ng Angat, Bulacan nadakip na ang isang lalaki na most wanted ng lalawigan sa Purok 7 Brgy. San Juan sa bayan ng Maria Aurora Aurora nitong Sabado ng gabi.
Sa report na tinanggap ni Acting PNP Provincial Director PCol.Angel Garcillano, kinilala ang suspek na si alyas Omar 28-anyos, residente ng Purok 7, Brgy. San Juan, Maria Aurora, Aurora.
Inaresto ang suspek sa mga bisa ng Warrant of Arrest na may cc.no.3480-3483-M-25 na inilabas ni Branch 85 RTC judge Hon. Ma. Cristina G. Laderas, sa apat na bilang ng Sexual Assault alinsunod sa Section 5(b) ng Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act)
Apat na kasong Rape sa ilalim ng Paragraph 1( a), Article 266-A ng Revised Penal Code, na RA 8353 at pinalakas pa sa ilalim ng RA 11648 na may Criminal Case Nos. 3484 hanggang 3487-M-2025.
At paglabag sa Section 4 (a) ng Republic Act 11930 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act) na may Criminal Case No. 3488-M-2025.
Samantala detenido ngayon ang suspek sa Angat Municipal Jail.(Thony D. Arcenal)