Napolis nakamit ang silver sa ju-jitsu sa World Games
Advertisers
NAIPADALA ni Kaila Napolis ang unang medalya ng Pilipinas mula sa 2025 Chengdu World Games Linggo matapos makamit ang silver sa women’s ju-jitsu -52-kilogram ne-waza sa Jianyang Cultural at Sports Centre Gymnasium.
Yumuko si Napolis sa South Korea’s Eon Ju Im sa finals.
Mula sa 2-2 deadlock sa dying seconds, sinubukan ni Napolis na ibalibag ang Korean palabas ng matt para umiskor at matiyak ang panalo.
Pero nasa tama akung posisyon ng mag-expire ang orasan.
“I am a little disappointed that I did not get the crucial point. But I am still grateful I was able to represent the country here,” wika ni Napolis, na nakuha ang unang medalya ng Pilipinas sa Chengdu matapos ang tatlong araw na paligsahan.
Trinidad nagtapos fourth sa 56.60 points. Frenchman Loic Deschaux ang nangibabaw sa kumpetisyon na may solid performance na 95.00 points, habang ang Germans Max Milde (92.80) at Florian Weiherer (65.00) ang nakakuha ng silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.