Advertisers

Advertisers

3 SUNDALO NASAWI VS NPA SA MINDORO

0 40

Advertisers

NASAWI ang tatlong sundalo sa isang sagupaan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa ba-yan ng Baco, Oriental Mindoro noong Martes, na nagdulot ng takot at nagpalikas ng libu-libong pamil-yang katutubong Mangyan mula sa kanilang tahanan sa kabundukan patungo sa mababang lupain.

Ayon kay Baco Mayor Allan Roldan, nasa 1,000 pa-milya mula sa Barangay Lantuyang, San Ignacio, Baya-nan, at Bangkatan ang bu-maba ng kabundukan at nasa pangangalaga ngayon ng lokal na pamahalaan.

Nakipag-ugnayan ang mga tropa mula sa 2nd Infantry Division ng Philippine Army sa mga rebelde sa Sitio Bituin, Barangay Lantuyang, Baco.



Ayon sa ulat mula sa 203rd Infantry Brigade, nagsasagawa ng pursuit operations ang mga sundalo kasunod ng engkwentro noong Agosto 9 sa lugar, kungsaan narekober ang war materials na inabandona ng mga rebelde.

Ang mga nasawing sundalo ay kinilalang sina Captain Marky John O. Alberto, Corporal Charlie P. Legaspi, at Private Julian R. Oracion ng 1st Scout Ranger Regiment.



Tatlo pang sundalo ang nasugatan at dinala sa V. Luna Hospital sa Quezon City.

Hindi pa matukoy ang bilang ng mga nasawi sa panig ng mga rebelde. Tinatayang nasa 15 rebelde ang sangkot sa putukan.



Si Major General Ramon Zagala, acting commander ng Army’s 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division, ay nagpahayag ng matinding kalungkutan sa pagkawala ng tatlong sundalo.

Nitong Huwebes, dalawang miyembro ng NPA ang na-patay din matapos makipagsagupaan sa militar sa Barangay Happy Valley, Roxas, Oriental Mindoro.(Mark Obleada)