Advertisers
Nagsumite ng petition letter sa tanggapan ng Ombudsman sina Mr. Ben Tulfo, IBMI Founding Chairman, Advocate at kanyang multimedia production firm na BITAG Media Unlimited Inc. at Corporate Social Responsibility (CSR) arm ipaBITAGmo Inc. NGO, at nanawagang magsagawa ng agarang motu proprio investigation sa mga naglalabasan ‘corruption scandal’ sa bansa.
Isa itong agarang kahilingan para sa Ombudsman na bumuo ng fact-finding at investigative task forces; at humiling ng tulong mula sa lahat ng ahensya ng gobyerno at/o i-subpoena ang lahat ng nauugnay na pampublikong dokumento.
Ayon sa nasabing grupo ng NGO volunteers, na ang kanilang panawagan hindi pang sariling interes kung hindi panawagan ng nakararaming mamayan Pilipino.
Anila, kailangang simulan ng Ombudsman ang pagsasagawa ng fact-finding preliminary investigation sa maanomalyang flood control projects ng DPWH.
May kapangyarihan ang Office of the Ombudsman na mag-imbestiga at mag-usig ng anumang gawa o pagkukulang ng sinumang pampublikong opisyal, empleyado, opisina, o ahensya kapag ang naturang pagkilos o pagtanggal ilegal, hindi makatarungan, hindi wasto, o hindi epektibo.
Sinabi pa ni Tulfo na hindi na dapat hintayin pa ng Ombudsman ang resulta ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.
“Ang Ombudsman talaga ang may mandato na mag-imbestiga sa mga iregularidad at anomalya sa pamahalaan. Umamin na rin si DPWH Sec. Manuel Bonoan na totoo ngang may ghost flood control project sa DPWH,” paliwanag ni Tulfo.
Mayroon din pangunahing hurisdiksyon ang Ombudsman sa mga kaso na nakikilala ng Sandiganbayan at maaaring pumalit sa pagsisiyasat mula sa anumang ahensya ng pag-iimbestiga ng Pamahalaan.
Ang mga pagsisiwalat ng Pangulo sa mga maanomalyang proyekto sa pagkontrol sa baha, kabilang ang website ng “Sumbong sa Pangulo”, itinuring na sapat upang matiyak ang isang motu proprio na aksyon ng Ombudsman.
Umaasa si Tulfo na sa kanilang ginawang pangangalampag sa Ombudsman para gumawa ng aksyon sa mga ‘ghost flood control projects’ makapupukaw ng atensiyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,Jr. , at ng kanyang mga gabinete o sinumang in charge dito.
Dagdag nito maaring utusang ng Pangulo ang Ombusdman na kumilos na at matatag ng fact finding committe at magsagawa ng peliminary investigation at isopoena ang lahat na may kaugnayan sa mga maanomalyang ‘flood projects’.