Advertisers

Advertisers

PBBM AT LAHAT NG MIEMBRO NG EXECUTIVE BRANCH APRUB SA LIFESTYLE CHECK!

0 42

Advertisers

NAKAHANDA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at lahat ng miyembro ng executive branch na sumailalim sa lifestyle check, sinabi ng Malakanyang nitong Biyernes.

“The President and the entire executive branch are ready for lifestyle check,” sabi ni Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing, nang tanungin tungkol sa pagiging bukas ni Marcos na sumailalim din sa lifestyle check.

Ipinag-utos ni Marcos ang lifestyle check sa lahat ng opisyal ng gobyerno, simula sa mga nasa Department of Public Works and Highways (DPWH), bilang bahagi ng pinaigting na pagsisikap na labanan ang katiwalian kasunod ng pagkakatuklas ng mga maanomalyang proyekto sa pagkontrol sa baha.



Sinabi ni Castro na handa rin si Pangulong Marcos na ibunyag ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), kung kinakailangan, bilang bahagi ng lifestyle check.

Binigyang-diin niya na ang direktiba ni Marcos para sa isang lifestyle check ay hindi dapat pamulitika, dahil ang pangunahing layunin ay panagutin ang mga sangkot sa mga iregularidad.



“Huwag po tayong lumayo sa isyu. Ang isyu po ngayon ay tuligsain at habulin ang mga involved sa flood control projects. So, huwag po nating ibahin at huwag tayo medyo mamulitika patungkol dito,” pahayag ni Castro.

Matatandaang personal na ininspeksyon ni Marcos ang 11 flood control projects sa Marikina sa Metro Manila, Iloilo, Bulacan at Benguet, matapos makatanggap ng mga reklamo ng mamamayan na isinumite sa pamamagitan ng portal ng Sumbong Sa Pangulo ng gobyerno.



Humigit-kumulang 9,020 na ulat na may kaugnayan sa mga kaduda-dudang proyekto sa pagkontrol sa baha ang natanggap sa pamamagitan ng plataporma noong Miyerkules. (Vanz Fernandez)