Advertisers

Advertisers

Heart ok lang mabuhay ng hanggang 60 yrs.old lang

0 12

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

OKEY na kay Heart Evangelista na mabuhay ng hanggang 60 years old lang siya. Feeling niya, hindi na siya aabutin ng matandang-matanda na.

Ito ang isa sa naging rebelasyon niya sa kanyang Instagram live noong Lunes.

“I don’t know why. I have that impression. But when I was young, I feel like siguro hanggang mga 60 years old lang.

“Okay lang sa akin, sapat din naman sa akin yun na ganu’n. Bala-balanse lang naman. So, feeling ko, hindi ako masyadong tatanda nang matandang-matanda.

“Hindi ko alam kung bakit ko iniisip yan. Pero, yeah, yun mga ano ko…I feel like really… my goal is just to enjoy what I do and be grateful for my opportunities and to live life.

“Also kasi, sinabi ko din kay Lord na, ‘Ako na muna kunin Niyo bago yung asawa ko.’ Kasi parang, mentally, hindi ko rin kaya yung ano… hindi ko talaga kaya. I don’t know… maybe, I don’t know why I think that way.

“Basta ako, okay na ako. Kapag 60 years old, kung kukunin na ako ni Lord, masaya na. Okay na ako, kasi madami na din akong napagdaanan sa buhay ko.

“Tapos parang, madami na din akong na-achieve na ano…I mean, may anak ako kay Chiz, sina Chesi at Quino, pero parang mentally hindi ako ano…I don’t know,” aniya pa.

At habang nabubuhay pa, nagpapapaka-busy si Heart sa kanyang mga ganap. Ini-enjoy niya muna ang buhay na hiram sa Nasa Itaas.

Inisa-isa niya ang mga gagawin niya sa mga susunod na araw.

May invitation daw siya sa London at New York para sa Fashion Week, pero baka hindi raw niya mapuntahan ang lahat ng events.

Sabi niya,“September is the biggest Fashion Week, and pinakamadami pong paying jobs is Milan and Paris. So I need to be prepared mentally and physically. And hindi puwede mangyari yung ganyan sa dati na hinimatay na ako.

“So I decide to just stay and do my jobs here, then I’ll do Milan and Paris. Pero sa totoo lang, pagod na pagod na rin talaga ako,” aniya pa.

Pagpapatuloy ni Heart, “My ideal weight should be about 94 (lbs.), but I’ve been very tired lately, I’m 92. So, that’s not very good. I’ve realized that’s not very good because I’m…that’s the reason why I’m getting a lot of pasa-pasa and all of that. And so, yeah!

“But I’m working on it. I’m trying to be as healthy as possible, because I do have… I’m gonna try my very, very best to do something for myself by October, November.

“So, we will see. But for now, I’m just gonna work, work, work.”