Advertisers

Advertisers

Eala nakamit ang 1st WTA title sa Guadalajara 125 Open

0 9

Advertisers

NAKAMIT ni Filipino Alex Eala ang kanyang unang titulo sa Women’s Tennis Association (WTA) Linggo ng umaga (oras sa Maynila) matapos talunin ang Hungarian na si Panna Udvardy, 1-6, 7-5, 6-3, sa final ng Guadalajara 125 Open sa hardcourt ng Panamerican Tennis Center sa Zapopan, Mexico.

Si Eala, na ranked No. 75 sa mundo, ay dinaig si American Kayla Day, 6-2, 6-3 (semis); Italian Nicole Fossa Huergo, 7-6 (2), 6-2 (quarterfinal); American Varvara Lepchenko, 6-7 (3), 7-6 (3), 6-3 (ika-2 round); at Dutch Arianne Hartono, 6-2, 6-2 (ika-1 round).

Samantala,ang No. 134 sa mundo na si Udvardy, ay nanaig laban kay Mexican Jessica Hinojosa Gomez, 6-3, 6-2 (1st round), Czech Nikola Bartnkova, 7-6, 6-2 (2nd round) at British fourth seed na si Francesca Jones, 6-4, 4-6, 6-3 (quarterfinal) at Russian Maria Kozyreva, 6-3, 6-4 (semis).

Ang 20 taong gulang na si Eala ay nag-debut sa WTA Tour noong 2021.

Sa Miami Open noong Marso, tinalo ni Eala ang mga kampeon ng Grand Slam – ang Latvian na si Jelena Ostapenko, ang Amerikanong si Madison Keys, at ang Polish na si Iga Swiatek upang makapasok sa semifinal, ngunit sa huli ay natalo kay American Jessica Pegula, 6-7 (3), 7-5, 3-6.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Nakupo ni Eala ang kanyang unang WTA final sa Lexus Eastbourne Open noong Hunyo, yumuko sa Australyanang si Maya Joint, 4-6, 6-1, 6-7 (10).

Noong nakaraang buwan sa US Open, nalampasan ni Eala ang world No. 14 na si Carla Tauson ng Denmark, 6-3, 2-6, 7-6 (13-11), sa unang round upang maging unang Pilipino na nagwagi sa isang pangunahing laban sa isang Grand Slam event.

Subalit nabigo siya matapos talunin ni Spanish Cristina Bucsa, 4-6, 3-6, sa ikalawang round.

Si Eala, isang graduate sa Rafael Nadal Academy, ay nagwagi sa junior girls’ singles title sa US Open noong 2022.