Advertisers
KALABOSO at nahaharap sa patong-patong na kaso ang 49-anyos na lalaki nang ireklamo sa pagtatanan ng dalagita sa Basud, Camarines Norte.
Ang lalaki na si alyas Bentong, residente ng San Lorenzo Ruiz, ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 271 ng Revised Penal Pode (An Act Inducing a Minor to Abandon Their Home at Republic Act 7610) o Anti-child Abuse Law.
Nasa pangangalaga na ng kanyang pamilya at tinutulungan sa pamamagitan ng kaukulang interbensyon ng municipal social worker and development at ng women and children desk division ng Basud Municipal Police Station ang 15-anyos na biktima na si alyas Danica, residente din ng bayan ng Basud.
Sa ulat, hapon noong nakaraang Huwebes ay dumulog ang lolo ng dalagita sa municipal social worker at humingi ng tulong dahil sa tinangay umano ni Bentong ang kanyang apo.
Mabilis silang nagpunta sa Basud Police Station at lumabas sa imbistigasyon na nagpunta ang dalawa sa Lucena City sa Quezon Province.
Sa tulong ng Lucena City Police, naabutan at naaresto ng mga kasapi ng Basud Municipal Police Station si Bentong at nabawi ang dalagita sa grand terminal ng lungsod.